Chapter 15

13K 337 11
                                    




***

Pinisil pa nito ng kaunti kung saan may sugat ng hindi binibitawan ang kamay ko.

"Just let it flow under the faucet, nabasa ko na maigi daw yun to prevent tetanus" aniyang muli at saka nagsara ng gripo at nag abot p ng tissue.

"Wait here, kukuhain ko lang yung first aid kit"

Ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko, pansin ko pagka aligaga niyang nagmadaling umakyat sa itaas. Medyo humupa na ang dugo, hindi naman kalakihan ang sugat.

"Here, lagyan natin ng betadine and band aide" aniya.

"A-ako na, maliit lang naman na sugat ito" kuha ko sa kanya sa bulak.

"Still, pwede ka pa ring matetano dyan. Maigi na lang hindi malalim" aniyang giit.

"Oo na po. Normal lang yan, hindi naman ito ang unang beses na nangyari 'to. ani ko ng pinagbuksan niya ako ng band aide at inilagay sa hintuturo ko.

"Salamat, okay na to" ani kong muli.

"Sabi ko naman sayo, coffee na lang. Ang kulit mo kasi, tsk! tapos ang hilig mo pang makipagargumento" aniyang napabuntong hiningang iniligpit ang kit na umakyat sa kwarto niya.

Napatingin ako sa mesa, naisip kong ituloy ang paggawa ng sandwich dahil sayang naman ang nabuksang palaman at nahiwa ng lettuce at kamatis.

"What are you doing Cielo?!"

"Eh, sayang naman kasi. Eto na ang sandwich mo, wala nga lang pipino" ani kong lapag sa tabi ng kape niya.

"Ang tigas ng ulo!"

Natawa ako.

"Maliit lang na sugat to Liam, exag mo" tawa ko.

"Though I'm grateful sayo, you don't have to do this Cielo" aniyang iritable.

"Sayo pa nga kami dapat magpasalamat, hayaan mo na ako. Ito na nga lang ang pwede kong magawa para sayo. Ayaw mo kaming pagbayarin dito, pati groceries inako mo pa"

"It's not a big deal, hindi yun kabawasan sa akin pero since, nagawa mo na ito, kukuhain ko na" aniyang kinuha ang mug miya at sandwich.

" 'Lika, matulog ka na. Masyadong maaga pa at wag ka ng magluto ng breakfast mamya. Sa labas na lng tayo mag breakfast bago pumasok para hindi mabasa ang kamay mo"

Napailing akong umirap.

"Sus, maliit lang to Liam..."

*

"Ako na ang maghuhugas"

"Hindi ka marunong makinig sabi ng sa labas na tayo magbreakfast eh, tapos nagluto ka pa rin talaga" aniyang iritableng muli.

"Sigurado ka? hindi ka ba mahuhuli sa klase mo?" tanong ko. Nakabalik agad ito pagkahatid kay Dylan.

"Hindi. I don't have class for today pero may mga tatapusin lang akong plates at designs sa computer" ani nitong inagaw ang espongha sa kamay ko at nagsimulang magsabon ng hugasin

"U-uhm... pahiram na lang ng apron na suot mo" aniyang humarap sa akin.

"Huh? oo naman" sagot kong kinalas ang apron na suot kong isinusuot sa ulo niya. May katangkaran si Liam kaya napayuko pa siya ng kaunti para maabot kong isinusoot sa ulo niya. Ramdam ko na naman ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang lapit ng mukha nito na kung titingnan ay mukha akong nakayakap sa leeg nito. Umiwas ako ng tingin sa kanyang alam kong nakatitig ito. Naalala ko ang nangyari kagabi.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon