Chapter 23

11.3K 331 29
                                    




***

Nanalo si Nico.

Tuwang tuwa siyang lumabas ng sasakyan niyang dumiretso sa gawi namin.

"Congrats!" bati nina ALbert na nagbump fist sa kanya. Pansin ko ang lapad ngiti nitong yumakap pabalik sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung ano ang makukuha niya sa karerang ito, bukod sa napakadelikado at napakapanganib. Sabi nga ni Liam personal satisfaction daw, pakiramdam mo daw malaya ka sa loob ng track ngunit hindi ko pa rin maintindihan. Kailanman hindi ko papayagan si Dylan na sasabak sa ganito.

"Thanks Bok!" aniyang yumakap kay Liam.

"You did great considering it's your first time" sagot ni Liam pabalik.

"Congrats" ani ko ng sumulyap siya sa gawi ko.

"Salamat din at pagpilit mong pumunta si Liam" aniyang ngumiti.

"Baka si Cielo ang lucky charm mo Bok!" sabad ni Marcus.

Napatawa naman si Belle.

"Shut up Marcus, baka gusto mong tawagan ko ang isa sa mga babae mong magpunta rito" iritadong sagot ni Liam.

"Joke lang yun Dude! hindi ka na mabiro eh, gusto ko lang bumawi sa pagkakabatok mo" sagot ni Marcus pabalik na nagtaas pa ng dalawang kamay na sumusuko.

"...ANg hirap ko ngang dinispatsa si Steph eh" dagdag pa nitong umakbay kay Nico.

Nag aya silang lumabas, pumayag ako dahil wala namang pasok kinabukasan bukod sa pasok ko sa coffee shop na hapon pa.

"Are you sure okay lang sayo?'" bulong ni Liam sa tabi ko.

Tumango ako.

"Just tell me kung gusto mo ng umuwi, anytime" aniyang iginiya ako sasakyan niyang papunta sa pinag usapan nilang lugar.

Isa itong exclusive bar sa labas ng Maynila.

Kumuha sila ng isang private VIP room. Ipinakilala ni Liam ang ilan sa kanila, ang ilang kagrupo ni Nico na tumulong sa karera niya kanina. Tumabi sa akin si Belle na ang kasunod si Albert at sa bandang kaliwa ko si Liam.

"H-hindi ako umiinom" bulong ko sa kanya.

"I know, hindi rin naman ako iinom don't worry" sagot nito pabalik kaya umorder na lamang siya ng soda para sa amin.

"Oh you'll pass?" ngisi ni Marcus.

*

Tahimik lang akong nakikinig sa ilang usapan nila na madalas ay tungkol sa naging karera ni Nico.

"You're okay?" tanong ni Liam sa tabi kong tinanguhan ko lamang. Nakarami na siya ng tanong kung ayos lang ako marahil alam niyang hindi ako sanay sa ganitong bagay.

Panaka naka rin itong sumasagot kapag siya ang kinakausap o may itinatanong sa kanya.

"Sa tingin mo Bok, kaya ba Nico si Brix?" tanong ni Albert.

"Yes, pero kailangan mong magensayo..." sagot nito habang nagtatanggal ng leather na jacket nitong suot.

"I mean, Brix is professional driver maraming alam yun na technique pero with your guts Bok, kaya mong talunin yun" dagdag nitong ipinasuot sa akin ang jacket nito.

"Wear this, manipis ang suot mong jacket... it's getting cold" aniyang baling sa akin.

Hindi ako makaalma, kita ko sa gilid ng mata ko ang titig ng ilan sa amin. Patay malisya lang din sina Belle sa kabilang gilid ko samantalang panay lang ang iling ni Marcus na nakangisi pa.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon