***Wala na rin akong madadatnang klase sa University kaya naisipan kong sunduin la ng si Dylan para makauwi na, nanlata akong napasandal sa taxi.
Napapikit akong naalala ko lahat ang sinabi ni Melissa.
Pakiramdam ko'y may bara sa lalamunan kong kahit paglunok ay hirap ako, ramdam ko ang pagiinit ng mata kong papaluha. Mahal ko si Liam, ngunit hindi ko alam kung hanggang saan ang relasyon namin. Ang sakit ng dibdib kong parang may kurot sa kaliwang parte ng dibdib ko.
Ramdam ko ang pagkirot ng ulo, parang naubos ang enerhiya ko para sa araw na ito. Napahawak ako sa sentido ng marinig ko ang tawag sa telepono ko.
"Belle" ani kong di mapigilan ang pagsinghot.
"Cielo, saglit lang... umiiyak ka ba?" tanong nito.
"H-hindi" pagsisinungaling ko.
"May sipon lang" ani ko pang muli.
"You're crying... bakit? Asan ka? Anong nangyari?" sunod sunod niyang tanong.
"W-wala, okay lang ako" sagot kong ramdam lalo ang sakit ng ulo ko.
"Where are you? Hintayin mo ako, may exams lang ako, I'm coming to get you" ani nito.
"Wag na, bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.
"Hindi ka kasi pumasok sa klase mo ngayong hapon" ani nito.
"Pumunta ka ba sa bahay ni Liam?" tanong nito sa kabilang linya.
"Oo eh, kaso wala siya doon... u-uhm si M- Melissa ang nadatnan ko doon" alinlangang sagot kong rinig ko ang mura nito.
"Ang tanga talaga ng Liam na yun! Hindi na natuto! Dammit!" sabi nitong may malutong na mura.
Hindi ako nakaimik.
"Asan ka ba?" tanong nitong ramdam ko ang inis nito.
"Susunduin ko lang si Dylan, pauwi na rin... magkita na lang tayo bukas" sagot ko.
"Sure you're okay ?" tanong nito may pagaalala.
"I can come there, tatapusin ko lang ang huling klase ko" sagot nitong tinanggihan ko.
"Wag na, saka gusto ko na ring magpahinga ngayon, bukas na lang tayo magkita" giit ko.
"Okay then... u-uhm Cielo, try to talk with Liam again" ani nito.
"I'm trying Belle, kaya lang ni hindi ko nga siya mahagilap, madalang kaming magkita sa bahay, hindi ko alam Belle kung kailangan ko ng sumuko" pagod na sagot kong nagpaalam na hindi na hinintay ang sagot nito.
Sinundo ko si Dylan. Tahimik lang ito hanggang pagdating sa bahay.
"Ate, okay ka lang ba?" tanong nito ng magpaalam akong mauna ng magpahinga.
'Oo naman, pagkatapos mo ng assignments mo... pwede mo bang tabihan si Ate sa pagtulog? Namimiss na kita eh" ani kong pilit na itinatago ang sama ng pakiramdam ko.
"Okay po, aakyat na rin ako mamya" aniya.
Hirap akong kuhain ang tulog ko, ramdam ko ang kaluskos sa baba na marahil pagdating ni Liam, rinig kong binuksan nito ang seradura ng pinto naming sumilip lang ngunit hindi naman pumasok. Masakit pa rin ang ulo kong piniling magpahinga na lang muna. Ayaw ko ng dagdagan ang sama ng loob ko.
Nahuli ako ng gising na maramdaman kong wala na si Dylan sa tabi ko. Pagbaba ko'y nakahanda na rin ang almusal at may sticky note doon na sinabing inihatid na ni Liam ang kapatid ko, napatingin ako sa orasang mamyang hapon pa ang klase ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/77391191-288-k389717.jpg)