***
Tumango akong medyo tuliro, pero nagdadalawang isip pa rin ako.
"C'mon, magpahinga ka na. I know you're tired and exhausted" malumanay na sabi nitong inakay ako patayo. Napatingin siyang ininspeksyon ang palapulsuhan kong muli.
"Damn it" mahina niyang mura.
Sumunod akong paakyat.
"Salamat" ani kong humarap sakanya.
"U-uhm, Okay lang ba sayo na magshare kayo ni Dylan ng kwarto? I- I mean, you can use my room. Bagong linis yun kanina ng helper dito or pwede kong kargahin si Liam sa kwarto ko" ani nito.
Napakunot ako ng noo.
" Dito na lang ako sa makeshift bed sa sofa..." paliwanag pa nitong dagdag.
"Hindi na, masyado namang abuso yun sayo. Sanay na akong katabi siya saka nakakahiya naman ikaw pa ang mawawalan ng kwarto o tutulugan" sagot ko.
"I don't mind Cielo, ang gusto ko lang maging kumportable ka, kayo ng kapatid mo" sagot nito.
Napangiti akong pumisil sa kanyang palad, sa kabutihan niyang pakita sa amin.
"Salamat uli" ani kong papasok ng may naalala akong tanungin sa kung kanina pa bumabagabag sa isipan ko.
"Saglit... gusto ko lang tanungin, why are you doing these? Bakit napakabuti mo sa amin? Hindi naman tayo halos personal na magkakilala..." tanong ko.
Sandaling natahimik itong napatungo.
Kita ko sa mata niya ang pagkalito. Napahinga ito ng malalim at saka lumapit sa aking humarap, napatingala ako. Mataas si Liam sa akin na mababa pa yata ako sa balikat niya.
"Because I felt that you needed a help" tipid niyang sagot.
Napatango ako ng marahan.
"Nakikita kitang madalas sa waiting area lalo na kapag nasasaraduhan ka na ng library. I know that you're just buying your time to go home. Obviously, wala ka namang inaantay dahil sa sakayan ka pa rin sumasakay. I just felt that something is behind it at hindi nga ako nagkamali. Sa coffee shop yung facial expression is different, you seem at ease, maaliwalas ang mukha mo pero tuwing hapon at pauwi, you look worried and anxious, It's just coincidence na nalaman ko" sagot nitong nagpapaliwanag.
"I am a trusted friend Cielo, confiding me something that is so delicate. Alam kong mahirap para sayo yun. I want to help you, trust me... " dagdag niya.
Napatango ako ng marahan, wala naman na rin akong magagawa. Dapat na lang talaga akong magpasalamat sa tulong na inaalok niya. Kailangan ko na lang naman ayusin at planuhin ang sa amin ni Dylan, pansamantala lang naman ang pananaili namin dito.
"Salamat Liam, okay lang ba talagang manatili kami ng ilang araw dito? I mean, wala bang magagalit? hindi ba kami makakaabala sayo? kasi... ano, alam ko namang may personal ka ring buhay" tanong ko.
Napangiti ito ng malapad.
"Good that you made up your mind. This is my own place, saka sinong magagalit? hindi rin naman ito tambayan ng mga kaibigan ko except with few of my closest friends pero paminsan minsan lang iyon, I'll keep them away" sagot nito.
"Y-yung mga girlfriends mo?" alanganing tanong ko. Kailangan ko itong tanungin, ayaw kong makaabala ng sobra sa kanya.
Natawa itong ikinakunot ng noo ko.
