Chapter 46

10.4K 309 19
                                    




***

"Liam...

Hangos kami parehong ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Liam... alam mong hindi pa pwede, kakadisiotso ko lang" ani ko.

"You're at the legal age already Cielo" ani nitong napatayo.

"Hindi lang naman yun, hindi pa nga tayo tapos sa pagaaral" ani kong umupo sa kama. Pilit kong pinaliliwanagan ito. Madalas ay nalalagay kami sa ganitong sitwasyon, tumataas lalo ang tensyon sa pagitan namin araw araw.

Tumayo akong yumakap sa likuran nito.

"Hindi mo na ba ako maintay?" tanong kong malumanay.

"Hindi pa ako handa, gusto ko munang masiguro ang kinabukasan ni Dylan" ani kong sumusuyo dito. Humarap itong mas kalmado na.

"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang alok ko, sooner lahat din naman ng akin ay magiging sayo din, sa inyo ni Dylan" ani nitong bulong.

"Alam ko, pero parang masyado pang maaga, sandali pa lang tayong magkasintahan, ayaw mo ba muna akong kilalanin?" biro ko para mabawasan lang nag tensyon sa amin.

" Baka malaman mo may ayaw ka pala sa akin diba?' ani ko pang muli.

"I've known you enough Cielo. I assure you, no doubt at all mahal kita kaya wala kang kailangang ipangamba sa akin" mahinang sabi pa rin nitong parang hirap na hirap.

Alam kong hirap itong magpigil tuwing nalalagay kami sa sitwasyon na alanganin.

"Hindi na ako makapaghintay na maging akin ka na, lahat lahat... maging ina ng mga anak ko" bulong pa nitong idinidikit muli ang katawan sa akin. Iginiya ko nitong muli sa kamang humalik sa noo ko.

"I love you, pero sorry din at hindi mo maalis sa akin ang pagseselos" bulong nito.

Napangiti ako.

Humalik ito sa talukap ng mata ko, tungki ng ilong ko at sa labi .

"I should stop, baka hindi na ako makapagpigil, muntik na akong mawalan ng kontrol kanina" aniya

"T-tungkol dun sa sinabi mo, pagiisipan ko okay?" ani ko.

"Thank you... the sooner the better" aniya pang pahabol na humalik sa noo ko.

Tumayo itong hinila ako patayo.

"Change para makapag pahinga na tayo, u-uhm... can I sleep with you? Dun na lang tayo sa living room" aniyang tanong tinanguhan ko.


Lumipas muli ang ilang buwan, halos patapos na sem.

Hangga't maari din ay umiiwas ako na malagay kami ni Liam sa alanganing sitwasyon, kahit siya ay alam kong pigil din. Malaki ang respeto niya sa akin. Sapat na sa kanya ang paminsang minsang katabi ako sa pagtulog ng walang nangyayari sa amin.

"Nandito na naman pala ang babaeng yan, kulang na lang e pumasok na yan dito sa University" bulong ni Belle ng tanaw naming papalapit sina Melissa at Liam. Nakangiti pa si Melissa habang nagkukuwento habang si Liam naman ay patango tango rin. Pansin ko ang pag angkla ni Melissa kay Liam. May kurot pa rin sa puso tuwing nakikita ko si Liam na katabi si Melissa. Madalas pa rin naming pagtalunan si Melissa at Sir Raymond.

"Ang landi talaga" inis na ani ni Belle.

Napatingin si Liam sa gawi naming awtomatiko itong kumalas sa hawak ni Melissa.

"Oh, pati to bawal na rin? C'mon Drew... mga bata pa tayo madalas na akong umaangkla sayo" rinig kong hinaing ni Melissa, papalapit sila sa gawi namin.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon