***
"Remember what I've told you" ani nitong humawak sa braso ko bago bumaba.
Napakunot noo ako.
"Wag kang masyadong ngumiti" ani pa niyang muli bago ako inalalayang bumaba.
"Ang weird mo" sagot ko.
Maigi na lamang din at nag ayos ako ng kaunti. Nasa isang magara kaming fine dine na restaurant. Sa hitsura pa lang alam kong mamahalin ang mga pagkain dito.
Iginiya kami sa pinakadulong mesa, mas pribado ito kumpara sa ibang mesa na nasa gitna ng restoran. Inabutan kami ng menu.
"Hintayin na lang natin sina Mia" ani kong tumango ito.
"Hindi ba magtataka si Mia na sabay tayong dumating?" tanong ko.
"No, and use that shawl to cover your legs" tipid nitong sagot ng mareceive ko ang text kay Mia na nasa labas na sila.
"Andyan na raw sila" ani kong mapansin ang pagkaway ni Mia na papunta sa gawi namin, nakasunod si Matt sa kanya. Nakilala ko na si Matt noong may isang event sa eskwelahan, ka Org siya ni Mia, nasa isang building lang din sila.
Kumukuha siya ng kursong Culinary Arts na malapit sa kurso ni Mia kaya may ilang subject silang magkaklase.Nakabestida rin si Mia pares ko, halatang nagayos siya ng husto at mas nadepina ang pagiging sosyalin at ganda niya sa ayos ng buhok at pananamit niya. Mas matangkad si Mia sa akin ng kaunti ngunit dahil sa suot niyang heels ay mas tumangkad pa ito.
"Hi!' aniyang kaway na bumati kay Liam at humalik sa pisngi ko.
"Hi Matt" bati ko kay Matt na siyang tumangong ngumiti sa akin . Nasa tabi ko si Matt na katapat ko si Liam na siyang katabi ni Mia.
"Pare" lahad ng kamay ni Matt na tinanggap naman ni Liam, hindi ko mawari ang ekspresyon niyang napakaseryoso, marahil umiral na naman ang kasungitan nito.
"Pasensiya na nahuli kami, di ko kasi nabasa agad na nagpalit ka pala ng lugar" ani ni Mia kay Liam. Napatingin ako kay Liam na patay malisya lang.
"Let's order" aniya.
"Kamusta?" baling ni Matt sa akin.
"Okay lang, ang tagal na nating hindi nagkita" sagot ko.
"Medyo busy na eh, saka minsan may practicum hours na rin kami sa mga hotel" aniyang sagot. May hitsura si Matt, mababa lang siya ng kaunti kay Liam, maputi na mukhang tsinito at may suot na salamin. Maaliwalas lagi ang mukha nitong mukhang may masayahing disposisyon.
"U-uhm.." ani ni Liam na siyang ikinalingon namin pareho.
"Li- Andrew, Culinary arts ang course niya" ani kong tumango naman ang nasa harapan ko.
"Architecture naman siya" baling ko kay Matt.
"Let's order'" ani ni Liam na bumalik sa pagkaseryoso.
Pagtingin ko pa lang sa menu ay nalulula na ako sa mahal nito.
Halos isang buwan na naming budget iyon ni Dylan.
*
"Yun, galit na galit si Mr. Lantin, eh napakasungit pa naman non at napakasuplado palibhasa tumandang binata na. Walanh kaabog abog siyang nagbigay agad ng long quiz" pagkukuwento ni Mia ng halos patapos na kami sa pagkain.
Napatawa ako at si Matt na napailing pa habang nakangiti samantalang si Liam ngumiti lang ng tipid na nakatingin sa amin ni Matt.
"Mahirap ba ang Architecture?" baling ni Mia kay Liam.
