***"Come to my house next week okay, kapag hindi na kayo busy sa school, ipagluluto ko kayo" ani ni Tita Cel kinabukasan ng pabalik kami ng condo.
"Yes Tita" ani ni Liam.
Nagpasalamat kami pareho ni Dylan.
"I should be the one thanking you Cielo, salamat sayo... mag bonding tayo next time okay, yung tayong dalawa lang" aniyang yumakap ng mahigpit.
Bumalik kami sa condo, at naghabol ng mga namissed na klase si Liam. Maalam naman siya kaya madali siyang makacope up. Bumalik kami sa routine namin sa araw araw, naibigay na rin ng daddy ni Nico ang kopya ko bilang legal guardian ni Dylan. Napaiyak ako ng makita ko yun na sa wakas, malaya na kami pareho.
"Ayain mo sina Belle sa bahay mo, ipagluluto ko kayo" ani ko bilang pasasalamat din sa kanila.
"Mapapagod ka lang, mag order na lang tayo"
"Hindi na, mas magastos yun...magluluto na lang ako" sagot ko.
"Okay then" aniyang sukong sagot ko.
*
"Ang sarap mong magluto Cielo! kaya naman pala ganito mainlove si Liam sayo" ani ni Marcus habang sumusubo na nagta thumbs up pa.
"Tumulong ako dyan Bok, saka ngayon lang yan wag ka ng umasang may kasunod yan" sabad ni Liam. Natawa akong naalalang halos konti lang na gulay ang natira sa mga tinalupan ni Liam sa kapal ng pagkakabalat niya.
"Di nga, ansarap talaga... " ani pa nitong muling ikinangiti ko.
"Ang swerte niyo, si Belle naman ang sarap ng mga binebake na sweets para kay Albert, nakakainggit!" komento pa nitong muling ikinatawa ni belle.
"Asan na si Nico?" tnaong ko.
"Pasunod na, sinundo lang yung kinakapatid niya...yayo yun ngayon eh" tawa nito ng tumunog ang doorbell na siyang pinagbuksan ni Dylan na kumakain ng muffins na dala ni Belle.
"Sorry late kami" ani ni Nico na may kasunod na babae. Mukhang highschool pa lang sa suot na uniporme.
"Kaya naman pala late eh" komento ni Marcus na nakatawa.
"Guys, si Hannah kinakapatid ko" pakilala ni Nico.
Isa isa kaming nagpakilala.
"Dude, meron bang kinakapatid- in - law, pwede bang magapply?" biro ni Marcus na siyang ikinairap ni Nico.
"Back off Bok, baka gusto mong hindi ko seryosohin ang race sa susunod at matalo ka ng malaking pera" seryosong sagot ni Nico na siyang ikinatawa namin.
"Dito ka Hannah" ani kong turo sa binakanteng upuan ni Dylan.
Umupo si Nico sa tabi niya.
"Joke lang yun pre, di ako sa menor de edad" sagot pa nitong muli na binatukan na ni Liam.
"Ouch... sorry Dude, double joke yun!" ani nitong muli na siyang ikinatawa namin.
" Buti na lang legal adult ka S'hart" sabad ni Albert kay Belle na humalik sa sentido nito.
"Sweet" komento ko ng maramdaman kong tumabi si Liam sa akin inihihilig ang ulo ko sa dibdib niya.
"I can be sweeter than that" bulong nito.
"Putik! nilalanggam ako sa inyo! ako na lang ba ang walang forever dito?" aniyang tumayo.
" Inggit ka lang Bok! maghanap ka ng iyo!" komento ni Albert.
"Wala pa eh... kapag nakita ko na siya, magbi beast mode ako agad!" tawa nito.
Ang sarap pagmasdan ang asaran nilang magkakaibigan. Tahimik lang si Hannah sa gilid na pangiti ngiti lang ng tipid, kita ko sa galaw ni Nico ang alalay sa kinakapatid. Maya't maya itong nasulyap kay Hannah kahit may kausap, panay din ang tanong nito kung okay lang siya, at ganundin si Albert na nakasunod lagi kay Belle.
*
"Tired?" aniyang tanong pagkatapos naming magligpit pag alis ng mga kaibigan niya.
Umiling ako, tumabi siya sa tabi ko, iniakyat na namin si Dylan na nakatulog din sa sala.
Humilig ako sa dibdib nito habang nakabaluktot ang tuhod ko.
Ramdam ko ang paghalik niya sa tuktok ng buhok ko habang marahan itong humahaplos.
" Mahal..." ani kong ramdam na siyang natigilan
"What did you say?" aniyang ipinaharap.
"Mahal... e yun naman ang tawag mo sa akin diba?" sagot ko.
Napangiti siya ng malapad.
"First time mo akong tawaging mahal..." aniya.
"Yun k-kasi ang tawag mo sa akin eh" sagot ko.
"Nakakatuwa lang, ang sarap pakinggan" aniya pang muli.
Napailing akong napangiti.
"Mahal may sasabihin sana ako sayo..." ani kong muli. Magmula ng nakabalik kami ng condo ay iniisip ko na ang mga susunod kong hakbang para sa amin.
"What is it?" mahinahong tanong nitong inihilig akong muli sa dibdib niya.
"K- kasi ano... u-uhm, magkasintahan na tayo diba?" ani kong umangat ng tingin.
"Naisip ko lang, baka kasi kailangan na naming lumipat o maghanap ni Dylan ng ibang malilipatan" ani kong nakapagpakunot ng noo nito.
"What?! " aniya.
"Mahal... kasi ano, hindi na siya magandang tingnan, dati kasi alam natin sa sarili nating magkaibigan lang tayo, pero ngayon..." paliwanag ko.
"No Cielo! it's no!" aniyang tumayo.
"Liam..." tumayo akong humabol sa kanya. Ramdam ko ang frustration nitong napasuklay sa buhok niya.
"I'm sorry cielo, it's no! that's final! hindi ako papayag!" aniyang muli. Humawak ako sa braso nito.
"Ano bang inaalala mo ang sasabihin ng ibang tao? let them be! wala akong pakialam sa sasabihin nila!" aniyang galit na umupo sa sofang napahilamos ng mukha.
Hindi ako nakaimik. Iniisip ko lang naman na hindi na ito katulad ng dati na magkaibigan lang kami, ngayon mas mataas ang tensyon sa pagitan namin, ayoko ring umasa sa kanya sa buong buhay namin ni Dylan. Gusto kong maghanap ng bagong trabaho. Sobra sobra na tulong na ibinigay nito sa amin, sa lahat pati ang sa abogado ay hindi rin ako nagbayad.
"Hindi yun, kasi ano..." ani kong pilit ipinapaliwanag dito ngunit ramdam ko ang galit pa rin nito.
"Then what?" mas malumanay nitong sagot na tumayong humawak sa braso ko.
"Natatakot ka ba sa akin?" mas mahinahong tanong niya.
"Alam mong nirerespeto kita, kaya kong magpigil pagdating sayo... alam mong hinding hindi ako gagawa ng ikakasira ng tiwalang ibinigay mo sa akin" aniyang ipinaangat ako ng tingin.
Napalunok ako.
"At kung sakaling mangyari man yun, na hindi natin sinasadya...alam mong pananagutan kita. I'm just buying time Cielo. I'll eventually marry you..." bulong nitong muli na parang di ako makaiwas sa intensidad ng tingin niya.
***
salamat po sa votes!
