***
"Good Morning Ate! Happy Birthday po!" bungad ni Dylan sa amin ni Liam. Sa ikalawang pagkakataon ay nakatulog muli kami sa sofa bed sa sala nito. Namula ako sa ideyang nakita kami ni Dylan na magkatabi, napatingin ako sa katabi kong patay malisya lang na nakangiti habang nakakumot at yakap ang unan ko.
Sumampa itong humalik sa pisngi ko.
"I love you Ate" aniyang yumayakap.
"Thank you " ani kong yumakap dito.
"Sandali po... may regalo ako sayo" aniyang nagmadaling umakyat sa itaas. Bumaling ako kay Liam.
"Good morning Misis" aniyang ngiting humalik sa palad ko kung saan naroon ang singsing na isinuot nito kagabi.
Ramdam ko ang init ng mukha ko.
"You're blushing...ang cute mo" aniyang umupong yumakap sa gilid ko.
"Liam... kalas na saka ayusin na natin itong hinigaan natin, pababa na si Dylan" ani ko.
"Hindi na bago sa kanya yun, nakita na niya tayo last time" ani nitong kinunotan ng noo ko.
"...And kinausap ko na siya kagabi, I asked permission from him that I'll gonna marry you, he agreed, sabi nga niya best kuya on the world na daw ako" ngisi nito.
"Huh?"
"I mean dati kasi best kuya in town lang, ngayon world na" tawa nitong muli na kayakap pa rin..
"I had a peaceful sleep at ang sarap ng pakiramdam na gigising na katabi kita. At ikaw ang unang makikita ko" aniyang bulong sa gilid ko.
"Oo na Mr. Madrigal hindi mo na ko kailangang bolahin, umoo na ako sayo diba?" ani kong akmang babangon dito pero nahagip nito ang baywang kong napaupo sa kandungan niya.
"Can we stay still for a while?" bulong nito hinampas ko ang braso.
"Ang landi mo, makita tayo ni Dylan" ani kong kumalas dito na siya naman baba ni Dylan. Kumalas akong sinalubong ito.
"Ate regalo ko po" aniyang abot sa isang paper bag.
"Salamat, at paano mo naman ito binili? Saka saan ka kumuha ng pambili mo rito?" tanong kong binuksan iyon. Isang set ng pajama na pantulog.
"Ipon ko po yan ate, tapos sinamahan ako ni Kuya bumili kahapon" aniyang nakangiti.
"Ganda! Ang bait talaga ng kapatid ko" ani kong yumakap dito.
"Mas mabait ka po Ate, love po kita... sorry po at naiwan kita nuong jamboree, di ko na po uulitin yun, hindi kita nabantayan" aniya, natigilan akong sa hindi pa rin nakakalimutan ni Dylan yun.
"Dylan... okay na yun, okay na okay na si Ate ha, love na love rin kita" sagot ko.
"Kapag nagkababy na kayo ni Kuya, promise po iproprotect ko po siya... yun po kasi ang sabi ni Kuya, pakakasalan ka ni Kuya tapos magkakababy kayo" aniyang muli na nagtaas pa ng kamay.
"Dylan!" saway ko na siya namang ikinagisi ni Liam.
Tumayo si Liam na tumabi kay Dylan.
"Like I told you last night, I'll protect your Ate, at ang magiging nephews ang nieces mo at pati na rin ikaw okay. I promise you also that" aniyang humaplos sa ulunan ng kapatid ko.
Tumango naman si Dylan, ramdam ko pa rin ang pamumula ko. Hindi ko alam kung hahantong kami ni Liam sa ganoon na mas malalim na ang kompromiso namin sa isa't isa. Medyo may bahid pa rin ako ng takot, dahil sa pangyayari nuon.
