Chapter 52

12.8K 414 42
                                        




***

"Mia..."

Lumingon siyang huminto saglit.

"U-uhm, pwede ka bang makausap?" tanong ko. Matagal ko na siyang gustong kausapin ngunit hindi ko matyempuhan.

Tumango itong tahimik na lumayo sa karamihan ng tao sa school grounds.

"G-gusto ko lang mag sorry sayo" panimula ko.

"U-uhm, sorry sa lahat ng nangyari... sorry-" ani kong sumabad siya agad.

"It's okay Cielo, tapos na yun. I moved on, not from liking Andrew pero sa nangyari sa atin, mas masakit kasi yun. I mean of all people na pwedeng umagaw sa gusto ko. I didn't expect na gusto mo rin siya nuon. I was hurt that time, I'm sorry too for what I did" aniyang seryoso.

"S-sorry... gusto kong magpaliwanag, hindi ko sinasadya yun, hindi ko sinasadyang magkalapit kami ni Liam, hindi ko sinasadyang mamahalin ko siya, sinubukan ko namang pigilan" ani ko.

"Okay na, you don't need to explain everything, I get it... hindi niya ako gusto, sorry din sa nagawa ko sayo, forgive me too" aniyang seryoso.

"I'm sorry sa lahat ng nasabi ko" aniya pang muling humingi ng dispensa.

Tumango ako.

"Tinatanggap ko rin ang paliwanag mo, you were once my bestfriend... nasaktan kita, nasaktan mo rin ako" aniyang napabuntong hininga.

Naglahad siya ng kamay, na tinanggap ko. Alam ko ang ibig niyang sabihin, hindi na maibabalik ang sa amin nuon.

Tinanggap ko ang kamay niyang hindi ko napigilang yumakap.

"Take care Cielo, be happy with him" aniyang bulong.

"Ikaw din, mag iingat ka lagi, andito pa rin ako bilang kaibigan mo" sagot kong tumango ito at kumalas.

"I-I need to go, mahuhuli na ako sa klase" aniyang tinanguhan ko. Tinanaw ko siyang palayo.

Napaupo ako bangko ,nakakapanghinayang man ngunit wala na rin akong magagawa, napabuntong hininga ako.

"You okay?"

Gulat akong napalingon sa tabi ko. Nakakunot noo si Liam na umupo sa tabi ko.

"May problema ba?" tanong nitong inilingan ko.

"Wala, nagkausap kami ni Mia" ani ko.

"What? Bakit mo siya kinausap? Sinaktan ka ba niya?" tanong nitong lumapit pa ng kaunti.

"Hindi naman, humingi lang ako ng sorry" ani ko.

"Ikaw ang sinaktan niya nuon, better stay away from her" aniya.

"Hindi Liam, nasaktan ko rin siya... dapat lang akong humingi ng dispensa" ani ko.

"It's up to you, since nag sorry ka na... wag ka ng lumapit ulit sa kanya" aniyang iginiya ako patayo.

"Mabait ka pa rin, after what she did to you...ikaw pa rin ang humingi ng dispensa" aniyang hinihigit ako sa dibdib nito.

"Naging mabuti siyang kaibigan Liam" ani ko.


Lumipas pa ang ilang buwan , pareho kaming abala sa pagaaral, tuwing weekend din ay umuuwi kami sa bahay namin dati, natuwa sina Yaya Meding na makita si Dylan ngunit hindi na sila masyadong tanda ni Dylan. Abala rin ako sa paghahanap ng bagong trabaho. Pagkatapos ko ng trabaho sa Art Gallery noon ay nakahanap akong muli ngunit nagresign din ako agad dahil sa hirap ako sa oras ko at bukod doon ay sa sobrang pagseselos pa rin ni Liam sa ilang katrabaho ko, madalas din ay yun ang pinagmumulan ng tampuhan namin.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon