Chapter 35

11.8K 352 25
                                        




***

"Are you sure about that?"

"Oo Belle... pero kailangan kong makausap ang daddy ni Nico" sagot ko.

"Y-you know, hindi magugustuhan ni Liam ito" komento pa nitong nagmamaneho pabalik ng University.

"Alam ko, pero ayaw ko rin namang masira ang pagaaral niya, oo nga pwede siyang magpost ng bail, pero pagkatapos nun yung mga hearing... tapos kung mahatulan siya ng guilty, ilang buwan at taon ang bububuin niya sa kulungan, ayokong mangyari yun Belle" paliwanag ko na siyang matamang nakikinig lang sa tabi ko

"Tapos, alam kong hindi siya ligtas doon, parang araw araw yata may mga bago siyang pasa at sugat" dagdag ko pang muli.

"You have a point pero it's wise na ikonsulta mo muna sa kanya ito"

" Hindi siya papayag... okay naman na ako, ikokonsulta ko ito sa abogado" sagot ko.

"It's up to you, we're just here if you need help" ani pa nitong pinasalamatan ko.


*

"Pwede po bang wag muna nating sabihin kay Liam?" tanong ko kay Tito gary na siyang abogado namin pareho ni Liam.

"Definitely, sasabihin ko rin sa kanya pero sigurado ka na ba rito iha?" tanong nito.

"Opo, alam kong magtatagal pa ang kaso ng ilang buwan o taon kahit pa magrant siya ng bail" sagot ko.

"Iuurong ko po ang demanda, pero kailangang iurong din nila ang demanda kay Liam tapos pirmahan ng tiyahin ko ang kustodiya ko kay Dylan" sagot ko.

Napaisip ang abogadong napatingin sa akin.

"Actually, their lawyer called me about this, at yun ang sinabi niya, apart from this I will request for retraining order against them para sainyo ng kapatid mo" ani nitong napatingin ako sa kanya.

"What i mean is hindi sila makakalapit sa inyong magkapatid in a certain distance or else makukulong na sila diretso... for your safety" paliwanag nito.

"Pwede po ba yun?" tanong ko.

"Of course, if you really insist sa negotiation na ito, we'll have this as part of the bargain" ani pa nitong muling tinanguhan ko.

Naglabas ito ng ilang papel para mapirmahan ko.

"Salamat po"

"I'm just not sure kung magugustuhan ito ni Andrew, hopefully hindi siya magalit sa akin for allowing you to do this" ngiti nito.

"This is for the best Tito, ayokong masayang panahon namin pareho... gusto ko na lang pong umusad saka hindi ko na po kayang nakikitang nasa ganoon sitwasyon si Liam" sagot ko ng naramdaman ko ang pisil ni Belle sa balikat ko.

Tahimik ako hanggang paghatid ni Marcus sa bahay ni Liam, na kahit siya ay naninimbang ng sasabihin hindi ko alam kung sangayon sila sa naging desisyon ko, alam ko sa sarili na yun ang nararapat.

"Salamat.." ani kong nagpaalam na rin ito agad.

"Cielo.." salubong ni Tita cel na yumakap.

" Why did you do it? sigurado ka ba sa napagdesisyunan mo?" ani nitong tanong na pareho pareho sila ng sinabi nina Belle, Marcus at ang abogado.

"Opo, may kapalit naman po yun... kailangan din nilang iurong ang demanda kay Liam" sagot ko.

Napailing ito, lumapit ang asawa nito sa kanya para mapakalma.

"Gusto kong magpasalamat sayo pero alam ko ring hindi sasangayon si Andrew dito" aniya.

"Ako na po ang bahalang kakausap sa kanya" sagot ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon