***
"Sunduin na natin si Dylan?" aniyang tanong
"Uhm.. kasi kailangan kong bumalik ng opisina ngayon, ipapakiusap ko sanang pwede bang ikaw na lang sumundo kay Dylan tapos pasamahan mo na rin siyang kumain at matulog, may na iprepare na akong gamit at pagkain ninyo sa bahay" ani kong pagkatapos naming kumain sa labas.
"You're up to what time?" tanong nitong muli.
"Up to 8:30 siguro, kasi kukuhain ko rin ang schedule ko, may iba rin kasing part timers sa gallery yung iba mga estudyante rin, tapos may orientation para sa iba't ibang section ng offices doon" paliwanag ko.
"O-ok, susunduin kita" aniyang giniya ako sa sasakyan nito.
"Wag mo na kong sunduin, magcocomute na lang ako" ani ko.
"Cielo... I'll pick you up, wag ka ng makipagtalo" aniyang muli.
Tumango na lamang ako, pansin ko ang muling pagkaseryoso nito.
Itinuro ko ang address ng Gallery.
Huminto kami sa parking ng humawak ito sa kamay ko.
"I don't like this, hindi ba kasi pwedeng wag ka ng magtrabaho? I can pro-" ani nitong sinabaran ko.
"Liam... napagusapan na natin ito diba?" paliwanag ko.
Pagod itong bumuntong hininga.
"Okay... uhm, puro babae ba kayo diyan?" tanong nitong muli.
Napailing akong napangiti. Seloso talaga!
"Hindi ko alam, pero yung boss ko at pinaka big boss eh babae rin. Hindi ko alam sa ibang department. More on paper works naman ako, pero may time na tutulong daw ako kapag busy sa mismong Gallery para sa ibang costumers or artist" ani ko.
Humawak ito sa kamay ko.
"Ano ka ba, nagseselos ka na naman ba?" tawa ko.
"I can't help it, may mga makikilala kang ibang tao dyan..." aniyang sumimangot.
"Ano ka ba? hindi mo naman kailangang mag aalala at mangamba lagi, mahal kita okay? ikaw lang..." ani kong binigyang ito ng mabilisang halik sa labi.
"I'm sorry..it's just that, masyado lang talaga akong seloso pagdating sayo, hindi ko mapigilan eh" aniyang humalik sa palad ko.
"Oo na, ewan ko ba sayo" natatawa kong sagot na napatingin ditong seryoso lang na nakatitig.
"I want to kiss you" mahinang sabi nitong papalapit.
Tumango ako ng maramdaman ko ang hawak nito sa batok at lapat ng labi nito. Mahinay iyon at marahan na sumakop sa labi ko. Humawak siya sa magkabilang pisngi ko at saka humintong idinikit ang noo sa akin.
"I'm in love with you Cielo, Promise me..." bulong nitong parang hirap na hirap.
"... that you will always be mine" aniyang muli.
"Pangako, ikaw lang okay?" sagot kong nagpangiti dito at saka humalik sa noo ko. Ito si Liam para sa akin, maaring siya si Liam na seryoso, masungit at madalas palaaway o walang kinakakatakutan sa iba ngunit para sa akin siya ang Liam na emosyonal, asal bata minsan at masyadong thoughtful o sweet sa amin ni Dyan at sa malapit niyang kaibigan.
"Pwede na ba akong pumasok?" tanong kong tumango ito.
"Balikan mo na lang ako mamyang gabi, then kung maaga akong matapos tatawagan na lang kita" ani kong nagayos ng sarili. Sumabay itong bumabang inihatid ako hanggang reception ng opisina.
