***
Cielo!"
Napalingon ako sa hagdan sa hangos na pagbaba at lakas ng boses ni Liam.
Napahinga ito ng malalim ng makita akong nakaupo sa dining table.
"Why are you here?" aniyang kunot noong tumabi sa akin.
"Nagutom ako eh, nagpaluto ako kay Yaya Meding ng ginataang manok" ani kong sumusubo.
"Sana ginising mo ako, alam mo namang hindi ka pwedeng mapagod" aniyang humarap s akin.
"Eh, tulog na tulog ka saka alam ko namang puyat ka sa pagrereview, saka medyo okay naman na ako, sandali nga lang ako nagsuka kanina" ani kong panay ang subo.
Napapalunok itong tumitingin sa kinakain ko.
"Gusto mo?" tanong ko.
Umiling ito.
"May allergies ka nga pala dito" sagot ko.
"No, pwede ko namang kainin yan kaya lang ang weird sinasawsaw mo sa ketchup" aniyang iling.
"Eh parang gusto ko na maasim at medyo matamis" sagot ko.
"Wait igagawa kita ng gatas" aniyang tumayo.
"Next time, gisingin mo ako kahit anong oras pa yan ha" aniyang humalik sa noo ko at saka humipo sa tiyan ko.
"The least thing I can do, is ibigay ang gusto mo alam kong pinapahirapan ka ng dalawang ito" aniyang ngiti.
Hindi ako mapakali sa hindi ko maintindihang gutom. Lagpas alas dose na ng hatinggabi.
"L-liam" ani kong yugyog.
Dumilat naman itong umupo ng ayos.
"You need something?"
"Nagugutom kasi ako eh" reklmo kong parang naglalaway sa fries at chocolate sundae.
"Ah okay, anong gusto mo?" aniya.
"Gusto ko ng fries saka chocolate sundae" sabi kong tumango ito.
"Okay then, wait for me here" sagot nito.
"Sasama ako"
"Mahamog na sa labas" protesta nitong muli.
"Please, drive thru naman diba?" ani ko.
Napakamot itong tumango.
"Gusto mo pa?' aniyang tanong na alok sa kinakain nito.
" Hindi na, medyo marami pa ito eh, pero ang sarap talagang I dip sa sundae" ani ko habang sumusubo.
"Diba?' tanong kong tumango naman ito.
"Sabi mo eh, saka nakakatuwang kumakain ka na, dahan dahan lang saka hindi ka ba sisikmurain niyan" aniyang tanong dahil ngayon lang uli ako nag ka ganang kumain.
UMiling ako.
"May gusto ka pa ba?" tanong nitong muli ng pabalik kami.
"Gusto ko yung baby donuts ng J.Co" ani kong ng maalala kong dinalhan ako ni belle nun ng isang araw.
"Okay then, I think bukas pa yung bandang Makati Area kapag ganitong oras" aniyang nagmaneho papunta doon. Hindi na ako lumabas ng sasakyan. Pansin ko ang ilang box na binili nito.
"Ba't andami?"
"Kasi para kina Dylan yung iba, baka kasi magahanap ka uli mamya nito" aniyang ngti.