***Lian
"Mommy!"
"Oh Lian, bakit ganyan ang mukha mo?" salubong ni Mommy. Humalik akong padabog na napaupo sa sofa sa gilid. Alam kong nakasunod ang mga kapatid kong lalake.
"Bakit bunso?" malumanay na yumakap si Mommy sa gilid ko. Napahikbi ako sa sama ng loob. Tumayo si Mommy na humalukipkip habang pinanood ang mga kontrabida sa buhay kong sumalampak sa sofa kasama pa ang isang asungot at namemeste sa buhay ko. Si Kuya Gab.
"I hate you kuya!" ani kong padabog na tinapunan ito ng throwpillow sa mukha si Kuya Lex. Siya ang pinakamalapit sa upuan ko.
"Lian!" aniyang sinalo ito. Napahalakhak si Kuya Landon at Logan, kasama si Kuya Gab na tumigil ng sinamaan ko ng tingin. Ano naman kaya ang ginagawa nitong muli dito sa bahay? eh halos dito na siya nakatira?
"Bakit anong nangyari?" tanong ni Mommy sa mga anak niyang lalake.
"I hate them Mommy!" ani kong napaiyak na.
Lalo akong nairita ng marinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Lex habang kita ko sa peripheral vision ang pagngisi ni kuya Gab. Nakakairita talaga!
"Sinabotahe na naman nila ang date ko Mommy! Nagpaalam naman ako kay Mommy pumayag siya, bakit kailangan na naman ninyong makialam?!" sigaw ko. Nagpaalam ako ng maayos kay Mommy at pumayag naman siya, kinausap pa nga niya ng maayos si Aldrin ng sinundo ako.
Hindi ito ang unang beses na sinabotahe nila ang date ko.
Flasback
"Anong kailangan mo sa anak ko?" tanong ni Daddy habang naglilinis ng baril sa harapan ng isang manliligaw ko. Halos magtakip ako ng mukha sa inis at pagkapahiya.
"Daddy.." ani kong pinipigilan ito.
"M-manliligaw p-po s-sana" ani ng isang kaklase sa highschool. Gustong gusto ko si Peter nuon, siya ang gusto ko ring makapartner sa prom sa susunod na taon.
Pinapunta ko siya sa bahay dahil wala sina kuya noon, naisip kong hindi nila matatakot si Peter.
"Daddy please..." ani kong humalukipkip sa tabi ni Daddy ng bumukas ang pinto. Napapikit ako lalo sa inis sa dumating. Si Kuya Gab.
"Uh... Tito, eto na po yung granadang pinakuha ninyo" aniyang ngumisi.
Napatingin ako sa gawi ni Peter na nanlaki ang matang tumayo agad.
"A-a-alis n-na p-po a-aako" aniyang kumaripas ng takbo.
"Daddy! Kuya gab!" ani kong inis na nagpadyak ng paang naiyak sa galit.
Napahalakhak naman si Daddy ganundin si Kuya Gab ng malakas.
"Kuya Gab!" ani kong lumapit ditong sinuntok ito sa dibdib.
Tumawa naman si Daddy na tumayo.
"Gab... isoli mo na nga yang laruan ng kapatid mo" ani ni Daddy na tumayo na nakatawa pa rin, na ang tinutukoy nito ang dala nitong granada, umakyat si daddy sa kwarto.
"Kuya Gab!" ani kong sinunsuntok itong hindi naman nanlaban bagkus yumakap lang ito. Halos maiiyak ako sa galit at inis.
"Shhh... tama na, yun ba ang gusto mong manliligaw eh ang bilis takutin" aniyang pinipigilan ang kamay ko.
Inis na inis akong naiiyak pa rin.
"Sorry na... ililibre kita ng ice cream" aniyang suhol.