***
"Sorry" sambit nitong muli ng makabalik mula sa kanyang kwarto.
Napangiti na lamang ako.
"A-actually, hindi naman sa akin lahat yun, may mga kaibigan akong napunta dito" dagdag pa niyang muli.
"Okay lang, naintindihan ko" sagot ko.
"U-uhm, nakainom ka na ba ng gamot mo?" tanong nitong muli na may bitbit ng basong tubig na inaabot sa akin.
Umiling akong nagpasalamat ng tumunog ang telepono niya at saka lumayo.
Nagabala rin akong tumingin sa telepono ko ng mapansin ko ang text ni Dylan na nasa bahay na ito sa dahilang maaga silang pinauwi sa klase.
Nagmadali akong tumayo at mag ayos, kailangan ko na ring umuwi. Alam kong abala ako kay Liam, nagpapasalamat na lang din ako sa kabutihang loob nito na dalahin ako kanina sa ER at pinatuloy sa bahay niya.
Napabuntong hininga ako, konting panahon na lang at makakaalis na rin kami ni Dylan sa bahay na iyon.
Umakyat akong hinanap si Liam ng pansin kong nakakabit pa rin ang telepono nito sa tenga niyang nasa loob ng kwarto. Kumatok ako ng marahan, abala siya sa pakikipagusap ng parang may katalunan kaya matama akong nagintay sa labas.
"I can't Bok" rinig kong sabi niya sa kausap na mukhang yamot.
"May importante akong gawa ngayon" inis pa rin nitong sabi.
"So what? magbabayad ako kung kinakailangan, or just let him win by default" ani pa nitong yamot na panay ang buntong hininga ng napalingon ito sa gawi kong nakatitig lamang.
Sumenyas akong pababa na muna ako.
"Okay then...it's up to you" rinig kong pahabol nitong sabi sa kausap niyang humabol sa akin pababa.
"Sorry about that" aniya.
"Ok lang, kumatok kasi kanina di mo yata narinig, magpapaalam na sana ako" sabi kong kinuha ang ilang gamit ko.
"Are you sure, maaga pa ah"
"Oo nasa bahay na rin kasi ang kapatid ko, aasikasuhin ko pa yun" sagot ko.
"Tsaka baka may importante ka ring lakad, abala na ako sayo" dagdag ko.
Napabuntong hininga ito.
"Hindi ka abala okay? and will never be..." malumanay na sabi nitong humarap, pansin kong nagdadalawang isip pa ito kung hahawak sa braso ko o hindi, at sa huli ay napahawak na lamang siya sa batok niya.
"Salamat..." sinsero kong sagot.
"Salamat dahil hindi man tayo personal na magkakilala ay napakabuti mo" dagdag ko.
Natahimik itong napalunok.
"I mean... sa coffee shop lang kita madalas makita, tapos nakita kita unang beses noong kami pa ni Roden" sagot kong napakunot ang noo nito.
"I know. I was a badass then... and I think up to now" ngiti nitong dahil sa presinto ko siya unang nakita noon ng mapiyansahan ni Roden.
"Sa tingin ko mabuti kang tao" sagot kong ngumiti dito.
"Salamat uli" dagdag ko pang muli.
"C'mon, ihahatid na kita sa inyo" ani nito.
*
"Don't forget your meds at saka yung vitamins mo" bilin niya bago ako palabas ng sasakyan.
"Opo, salamat ulit Liam" sagot ko.