***
Bakit tayo naandito Ate?" tanong ni Dylan sa likuran ko.
Halos mapako ang paa ko sa sasakyan ni Marcus. Tanaw ko ang bahay sa harap namin, masyadong magara at kalakihan. May mataas rin itong gate, sa bungad pa lang subdibisyon ay alam ko ng mga marangyang tao ang mga nakatira dito. Nasa isang ekslusibong subdibisyon din kami nakatira noon, pero doble ata ang laki ng bahay na ito kaysa sa bahay namin nuon.
"Are you ready?" tanong ni Marcus.
Hindi ako nakasagot na napatingin sa kanya.
"S-sigurado ba si Liam dito?" alinlangang tanong ko.
"Of course... ipapasok ko na ba ang sasakyan?" tanong nito.
"Ganyan ba siya kayaman?" tanong kong muli.
Napailing lamang si Marcus na napangiti.
"We'd better go inside, naghihintay na sina Tita Cel" ani nitong nagpaandar muli ng sasakyan.
"Sandali...Marcus" ani ko.
"Cielo... this is what he wants, for both of you to be safe" ani nitong napalingon kay Dylan na tahimik na lamang na nakaupo.
"Just trust him on this okay?" ani pa nitong muli.
Napatango na lamang ako.
Sinalubong kami ni Tita Cel. Kung gaano kalaki tingnan ang bahay sa labas ay ganoon din sa loob, may mga magarang muwebles ng bahay at malaking espasyo ng sala at malaking hagdan paakyat sa itaas.
Nagpaalam na rin agad si Marcus.
"I'll go ahead Tita, susunduin na lang kita bukas" paalam ni Marcus at saka bumaling ng tingin sa akin.
"You're just on time, kapapahanda ko lang ng dinner, dito ka na magdinner Marcus" ani nitong yumakap ng marahan sa akin at saka bumaling kay Marcus ngunit tumanggi na ito.
"Si Dylan po kapatid ko" pakilala ko kay Dylan na nakakapit sa braso ko.
"Ang laki mo na pala... ilang taon ka na?" ani nitong lumuhod pang lumebel ng tingin kay Dylan.
"Mag eeleven po" magalang na sagot ni Dylan.
Ngumiti naman si Tita Cel na humaplos ang ulunan ni Dylan.
"O siya, iakyat niyo muna ang gamit ninyo, wala pa kasi ang Tito Carlos ninyo, papadating pa lang" ani nitong sinabihan ang katulong na kuhain ang ilang gamit namin.
"Maraming salamat po... at pasensiya na rin po sa abala" ani ko.
"Walang anuman Cielo. Just feel at home, and hindi kayo abala okay? I'm happy that you are here and finally may communication na kami ulit ng pamangkin ko" sagot nitong nakangiti.
Sumunod siya sa amin sa itaas.
"May mga guest rooms naman dito kaya lang sabi ni Andrew na baka daw mas kumportable kayo dito sa kwarto niya" ani nitong sinang ayunan ko.
"Ang laki Ate" bulong ni Dylan.
Ang laki nga ng kwarto ni Liam, na doble sa kwarto niya sa condo niya. Mimalistic din lang ang ayos na akma sa personalidad niya, simple ngunit elegante ang muwebles.
"Settle yourselves then I totour ko kayo after" aniyang ngumiti at saka lumabas ng kwarto.
"Salamat po" ani kong naglabas ng ilang gamit namin.
May verandah rin ito na tanaw ang magandang tanawin sa labas ng subdivision. Napagtanto kong hindi ko nga masyadong kilala pa si Liam, alam kong may kaya ito sa buhay ngunit hindi ko alam na ganito siya karangya.