Chapter 40

11.4K 339 47
                                        




***

Nakangiti ito ng malapad habang nagmamaneho pabalik ng condo niya. Kinarga niya si Dylan paakyat.

"Salamat" ani kong binihisan si Dylan at pinunasan ng bimpo ang mukha nito.

"Lumalaki na si Dylan..." aniyang komento na nasa likuran ko habang kinukumutan ang kapatid ko.

"Oo nga eh, ang bilis ng panahon... parang kelan lang na sobrang alagain pa yan" sagot ko.

"He should start sleeping in my room" aniyang lumingon ako.

"I- i mean, pareho naman kasi kaming lalake, tsaka lumalaki na siya" ani nitong napahawak sa batok niya.

"Pag iisipan ko..." sagot kong kumuha ng bihisan kong pajama.

"Sya ng pala, natanggap na ako sa Art Gallery part time job ko" ani kong naalala.

Tumango itong ngumiti.

"Tango lang? hindi mo ba ako ico congrats?" tawang tanong ko.

"Pumayag akong magtrabaho ka, but it doesn't mean na gusto ko yun, sumusunod lang ako at nirerespeto ko ang gusto mo"aniyang humarap sa akin.

" Salamat" ani kong yumakap dito ng marahan.

"Promise kapag nahihirapan ka na sa trabaho at makakaapekto sa pagaaral mo, you'll quit okay?" mahinang sabi nito.

Tumango akong umangat ng tingin.


Paglabas ko ng klase ay tanaw ko na Liam mula sa malayong papunta sa gawi ko.

"Hey..."

"Pasensiya na nahuli ako, may mga announcements pa kasi yung prof ko kanina" ani kong sinalubong ako. Kinuha nito ang ilang gamit na hawak ko.

"It's okay" aniyang malumanay. Pansin ko ang pagka aligaga niya.

"May problema ba?" tanong ko.

"A-ano kasi..." aniyang nakasalubong namin si Belle na papunta sa gawi namin.

"Belle.."

" Uy, asan sina Albert?" tanong nitong lumapit sa amin na sinabayan kaming papunta ng school grounds.

"Nasa intayan" pagod na sabad ni Liam.

Napalingon ako sa gawi niyang may mukha ng pagaalala.

"Ang sweet mo naman dude, sinundo mo pa talaga si Cielo sa building niya" komento ni Belle na nanunukso.

"Hindi naman bago yun" sagot ni Liam na napatingin sa akin. Ngumiti ako ng tipid.

"O ayan pala sila eh" ani ni Belle ng papunta kami sa tambayan nila.

"Oh..." komento ni Belle.

Napatingin ako sa gawi nina Albert ng mapansin ko ang kasama nila sa mesa. Si Melissa.

"The bitch is back huh?" aniyang komento muli na napatingin kay Liam.

Umakbay naman si Liam sa akin na napahawak sa batok. Humawak ito sa isang kamay kong ipinauna na si Belle sa tagpuan namin.

"Are you mad?" mahinang tanong nitong inilingan ko dahil yun ang totoo, pagkapatapos ng pag uusap namin nung isang gabi na nilinaw nitong magkaibigan lang sila ni Melissa ay tinanggal ko sa sistema ko ang selos.

"Hindi..." sagot kong ngumiti dito.

"I didn't know that she's coming..." aniya.

"... and I promised that I'll keep my distance with her, pero di ko maiwasan eh" aniya pang muli.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon