Chapter 25

11.4K 339 14
                                    




***

Hindi ako makatulog.

Pilit na sumasagi sa isipan ko ang mga nangyari kanina, hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito... hindi ito pwede. Masyadong komplikado at may masasaktan.


Flashback

"It's you Cielo..."

"Ha? Ano bang sinasabi mo?!" sagot kong pinipigilan itong lumapit sa akin.

"I'm sorry... I can't helped it. I don't want to scare you. I tried to control my feelings, pero hindi ko na kaya... nagseselos ako kanina, I was mad and can't control my temper anymore lalo ng mas pinili mo pang sumama sa Matt na yun" aniya.

"Liam..." mas mahinahon kong tinig.

"I just want to be honest with you... I am in love with you" malumanay na sabi nitong marahang lumapit sa akin.

"Heaven knows, pinipigilan ko but I can't anymore. I'll go crazy kapag hindi ko pa nasabi sayo, it wasn't supposed to happen... hindi ko rin sinasadyang biglain at takutin ka" mahinahong ani nitong humawak sa magkabilang braso ko.

"Liam, mahigit isang buwan pa lang tayong magkasama dito... and please this is so complicated" sagot kong napatungo.

"You don't know the half of it..." aniyang napaangat ako ng tingin, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Kita ko sa mata nito ang lungkot at lamlam na parang maiiyak pa.

"I know, I know it is complicated... pero I'm willing to gamble and take my chances" mahinang tinig niyang tumititig sa akin. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko kayang tumitig pabalik, ramdam ko pa ang panlalamig ng mga kamay ko at pangangatog ng tuhod ko sa kaba.

"Please, don't make this hard for us Liam... alam mong hindi pwede, alam mong gusto ka ni Mia, kaibigan ko si Mia" pagod kong sagot na napailing na umiiwas ngunit nahawakan na nito ang magkabilang braso kong inihilig sa dibdib niya.

"Please... hindi ko siya gusto, let me prove my worth to you, mahal kita Cielo" ani nitong mas garalgal pa ang boses.

Ang lakas ng tibok ng puso kong ayaw kumalma. Ramdam kong muli ang pamamahinga ng baba niya sa tuktok ng ulo ko, at sandaling pagbigay ng marahan na pagdampi ng bibig niya. Masyadong tahimik ang paligid na ang maririnig lang ay ang paghinga namin pareho.

"Hindi ko alam..." matapat kong sagot dahil kahit ako ay hindi ko rin alam sa kung anong dapat kong gawin.

"I will not pressure you, just give me a chance" bulong nito.

"Liam..."

"Please" ani nitong hindi pa ako binibitawan. Ramdam ko ang paghaplos nito ng marahan sa buhok ko, at lakas ng tibok ng puso nito.

Hindi ako umimik, sandali pa kaming nasa ganoong posisyon ng kumalas itong humawak muli sa magkabilang braso ko.

"Halika ka na, you should rest" ani nitong gumawad ng marahan na halik sa noo ko. Hindi ako nakaalma. Prinoproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Nagpatianod na lang ako sa giya nito papunta sa kwarto namin ni Dylan.

Napaupo ako sa gilid ng kama na siya namang lumuhod sa harap ko.

"I know you're tired, magpahinga ka na...we'll talk tommorrow" ani niotng humawak sa kamay kong tumitig sa akin.

" I love you" bulong nitong muli na humalik sa noo ko bago lumabas.

Hindi pwede, ayaw kong masaktan si Mia. Una ko siyang naging kaibigan bago dumating si Liam sa buhay namin ni Dylan.


Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon