***
Napalunok ako.
Pinunasan ko ang mukha nito at katawan.
"I-I'm s-sh-sorry" ani pa nitong uutal uatal.
"Shhh... sleep" ani kong binihisan ito.
"I-i-im s-sorry I h-hurt you" aniya pang muli.
"P-please don't d-don't l-leave me" aniyang kita ko ang takas na luha nitong pulang pula din ang mukha sa kalasingan nito.
Humaplos ako sa kaniyang mukha.
"Sleep Liam, rest... we'll talk tommorow" ani kong hindi ko alam kung naiintindihan ako nito.
"Ma-mahal na m-mahal kita, I- i- love you..so much" aniya pang muli bago pumikit ng tuluyan.
Nagising akong naalimpungatan. Napatingin ako sa alarm clock kong halos ala diyes nang umaga, nakapatay na ito. Balikwas akong bumangon,wala na si Liam sa tabi ko. Halos umaga na ako nakatulog.
Dumiretso ako sa kwarto kong wala na rin doon si Dylan, nagmadali akong maghilamos at mag ayos ng sarili. Pababa akong nadatnan si Liam na nakahilamos sa mukhang nakaupong nakasandal sa sofa. Napailingon itong marahil narinig ang yabag ng paa ko.
"Si Dylan?" tanong ko.
"Inihatid ko na eskwelahan niya" sagot nitong seryosong tumayong sumalubong sa akin. Humalik ito sa noo ko, katulad ng nakagawian niya tuwing umaga.
"Mag breakfast ka na" aniyang iginiya ako sa hapag. Halata pa rin sa mukha nito ang hang over at lalim ng matang kulang sa tulog.
Naglabas ako ng dalawang mug.
"Kumain na ako, sinabayan ko si Dylan kanina" ani nitong umupo sa harap ko.
Napatango akong tahimik na sumubo. Ramdam ko ang titig nito.
"U-uhm, about last night..." aniyang panimula.
Napatingin ako ng diretso sa kaniya.
"I'm sorry for keeping you awake last night" aniya.
Napatango akong muli.
"You eat, may pupuntahan tayo pagkatapos" aniyang muli na tinanguhan ko.
Ramdam ko lang itong nakatitig at pinapanood ako habang kumakain.
Nagligpit akong naunang tumayong umakyat upang makaligo at makapagbihis panglabas.
Alam kong ngayon namin paguusapan ang nangyari at sinabi nito kagabi. Ramdam kong may ideya siyang may alam na ako sa pangyayari nuon kina Mommy at sa kapatid niya.
Napabuntong hininga akong nag ayos ng sarili, kung ano kahihinatnan nito ay hindi ko din alam. Masakit sa puso at komplikado.
Nag ayos ako ng gamit ng marinig ko ang katok ng pinto, marahan ang bukas ni Liam ng pintong sumilip.
"Saglit lang" ani kong binilisang mag ayos ng gamit.
Pumasok ito sa loob , ramdam ko ang presensiya nito sa likuran ko. Ang lakas ng kaba ng dibdib kong wala pang ilang saglit ay naramdaman ko ang marahan nitong pagyakap mula sa likuran ko.
Napapikit akong napahinga ng malalim. Ramdam ko ang pagpahinga niya sa balikat ko.
"I love you" bulong nito.
"I don't want to lose you" ani nitong muling may garalgal na ang boses.
"Liam..."
"Please..." ani nitong ramdam ko ang pagod nito at sobrang lungkot.
