Chapter 5

13.7K 397 18
                                    




***

" Okay ka lang?" tanong ni Liam muli ng mapahawak ako sa braso niya, sabay na naming ipinasa ang reaction paper namin sa professor namin.

Tumango ako pero ramdam ko ang hilo at sakit ng ulo ko, at ng paghakbang muli ay parang umiikot ang paningin ko.

"You're not feeling well at parang medyo mainit ang palad mo" ani nitong iginigiya ako sa isang bench.

"I'll hold your arm and your back okay?" paalam nito umalalay sa likod ko.

Tumango akong tuliro.

"Damn! may lagnat ka nga" ani nitong humapo sa noo ko.

"O-okay lang ako, pakidala na lang ako sa clinic" ani ko.

"Hindi pa open ang infirmary ngayon" sagot nitong pansin kong maaga pa nga.

"C'mon, I'll bring you home" alalay nitong pinigilan ko agad. Ang maisip ko pa lang ang bahay ay parang nanginginig na ako sa takot.

"No... wag na, a- ayoko sa bahay" sagot kong yumukong inihilig ko ang ulo ko sa mesa sa bench.

Ramdam ko ang tindi ng hilo. Parang umiikot lalo ang paningin ko.

"Cielo..." giyang patayo sa akin ni Liam.

"Kung ayaw mo sa inyo, I'll bring you to my place" sabi nitong pinanlakihan ng mata ko. Medyo disoriented ako pero naiintintindihan ko ang sinasabi nito. Alam niyang may pagaalinlangan ako ng umiling ako ng agaran.

"Hey, trust me... I won't harm you. I promise" sabi nitong inalalayan akong tumayo. Tinitigan ko ito.

"O sige, sa hospital na lang kita dadalhin" ani nitong iginiya ako sa parking. Wala akong nagawang nagpatianod na magpadala sa ER.

*

"You're extremely exhausted at overfatigue" paliwanag ng doctor.

"You need to rest, mukhang kulang ka sa tulog. Hindi naman mataas ang fever mo, reresetahan kita ng iron and some vitamins din" dugtong pa ng doktor.

"Are you sure po? hindi na ba kailangan ng ibang test like xray or something- ?" sabat ni Liam na nasa tabi ko.

"I'm sure Mr. Madrigal, parang kayo po ata ang kailangang magpatingin" sagot ng doktor na ngingiti ngiti.

Napahawak na lamang sa batok si Liam.

"Your girlfriend is fine... kailangan lang niya ng rest" dagdag pa ng doctor na nag abot ng prescription kay Liam.

Napatingin ako kay Liam.

"Uh ah, hindi po-" sagot kong pagtatama sana ng sumabad agad ang katabi ko.

"Salamat po. I'll make sure she'll take this" aniyang binasa ang prescription at saka nagpaalam sa doctor.

"U-uhm, bakit hindi mo itinama ang doctor?" tanong ko.

"Shhh... it's not a big deal, besides they won't allow me here kung hindi ako ang next of kin mo" sabi nito.

Sandali lang din kami sa ER at nadischarge na rin ako agad.

"Hindi na ako nakapasok" sabi kong tingin sa orasan ko. Medyo maayos na ang pakiramdam ko dahil sa itinurok na paracetamol sa akin ngunit ramdam ko pa din ang hapo.

"At hindi ka na papasok" sabat nitong alalay sa akin palabas.

"Pasensiya ka na, naabala ka pa... ihatid mo na lang ako sa coffee shop" sagot ko.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon