***
"Eat more"
Umiling ako. Medyo maayos na ang pakiramdam ko, naglagi pa ako ng ilang araw sa ospital para maobserbahan at ipinagpapasalamat ko na maayos naman lahat ng test, at ngayong araw na rin ako madidischarge.
"Eat more Cielo, you have to regain your energy" ani ni Liam na sumusubong muli.
"Okay na ako"
"No, you're not, medyo maputla ka pa din" sagot nitong nagbaba na ng plato ko at nagabot ng inumin.
"Siyanga pala , pinasundo ko na si Dylan kay Marcus" aniyang muli.
"Hindi ba nakakahiya na?" tanong ko dahil nung nakaraang araw naman ay si Belle ang sumundo.
Umiling itong umupo sa harap ko.
"Are you better now?" mahinahong tanong nito.
"Oo, salamat" ani ko.
"U-uhm, a-ano na ang balita sa amin?" tanong ko.
"Shh, wag mo ng isipin yun, let me deal with it" ani nitong humaplos sa kamay ko.
"Gusto kong malaman Liam" giit ko, dahil alam kong may problema, napansin ko ang paguusap nila ni Marcus nung isang araw na seryosong seryoso na mukhang nagtatalo pa.
"I'll tell you but -" ani nitong sinabaran ko agad.
"Please, gusto kong malaman" pakiusap ko.
"Y- your Aunt's husband is in coma up to now" ani nito.
Napapikit akong napahilot ng sentido ko. Alam kong malaking problema ito, at higit sa lahat ayaw kong madamay ang ibang tao na ngayon ay nangyayari na.
"Ito na nga ba ang iniiwasan ko, komplikasyon" bulong ko sa sarili. Nag aalala at natatakot ako sa mga susunod na mangyayari.
"Hey,... let me handle this okay? wag mo ng isipin, ako ang bahalang mag ayos nito, ang gawin mo lang ay magpagaling" ani nitong humawak sa isang pisngi ko.
Napatango ako, alam kong hindi ito simpleng problema na darating.
"Listen, wala akong regret with what happened, as what I said before I can do it again in a heartbeat" seryosong sabi niotng tumititig sa mga mataa ko, marahil ramdam nitoang pagaalala ko.
"L-liam"
"I'll handle it "aniyang humawak muli sa pisngi kong inihilig ako sa dibdib niya.
"N-Natatakot ako Liam... papaano kung... kung-"
"Shhh, wag mo ng isipin yun. I'm even hoping that he'll die,walang kapatawaran ang ginawa niya sayo" alo nito.
Humagod ito ng marahan sa buhok ko.
"I'm glad na mas maayos na ang pakiramdam mo. I'll take good care of you and Dylan" bulong nitong humalik ng marahan sa tuktok ng buhok ko, ito ang seguridad para sa akin, pakiramdam ko lagi akong safe sa marahan nitong yakap, walang makamundong pagnanasa.
"Salamat.... salamat sa lahat" ani ko ng maulinigan namin ang pagbukas ng pinto.
"Ate!" Si Dylan.
Napalingon kami pareho ni Liam, madali naman sumampa sa kama si Dylan na yumayakap. Magmula ng nangyari ay parang masyadong attached si Dylan sa akin na halos ayaw akong iwan sa hospital. Nagpipilit pa ngang minsan na kasama siyang magbantay sa akin.
"Kamusta ang school?" tanong kong yumakap pabalik.
" Ikaw ate, kamusta ka na? m-masakit pa ba ang sugat at pasa mo?" tanong nitong yumayakap pa rin. Parang hinahaplos ang puso ko sa sobrang paglalambing nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/77391191-288-k389717.jpg)