Chapter 2

19.2K 447 23
                                        

#Repost

***

" Pakilala mo naman ako sa kanya" pangungulit ni Mia na nasa tabi kong pumunta pa talaga sa building namin para lang daw masilayan si Liam or Andrew.

Tanaw namin siya kasama ang ilang mga kaibigan niya. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa pagtatama nito ng pangalan niya.

" Ang gwapo talaga teh" pangungulit ni Mia sa tabi ko. Masasabi kong may hitsura naman talaga si Liam o Andrew kahit ako ay lito na sa pangalan niya, matangkad, matikas ang katawan medyo moreno ng kaunti. Mukhang galing sa maayos na pamilya ngunit pansin ko ang dilim ng aura nito, parang laging galit sa mundo at laging kulay itim lang ang suot. Ganunpaman, hindi rin maitatagong maraming nagkakagusto sa kanya at madalas din ay may nakaangkla sa kanyang babae.

"Ang swerte ng babaeng nakaangkla sa kanya" wala sa sariling sabi ni Mia na siyang ikinailing ko at saka bumaling siyang muli sa akin na panay ang kalabit.

"Sige na sis, pakilala mo na ako. Diba kaibigan siya ng ex mo? Ay, sorry" aniyang nahingi ng dispensa.

"Okay lang, matagal na yun" sagot kong medyo may alinlangan.

"Pero sorry Mia, hindi ko naman kasi personal na kilala si Andrew eh, kaibigan lang siya ni Roden pero hindi naman kami nagkakilala. Hindi siya naipakilala sa akin, dito ko lang uli siya nakita sa University, saka hindi naman kami nagtagal ni Roden" paliwanag ko dahil kilala nga ng dati kong karelasyon si Andrew.

"Kunsabagay...sandali di ka man lang ba naipakilala ni Roden sa kanya? " aniyang tanong.

Umiling ako.

Naalala ko nga nang una ko siyang nakita ng sunduin namin siya ni Roden sa isang presinto noon para mapiyansahan. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay di ko na siya nakitang muli bukod doon ay naghiwalay na rin kami ni Roden, kaya nagulat ako ng minsang makita ko siya sa Registrar's office ng University na pinapasukan ko at ganundin sa coffee shop. Ang alam ko lamang ay Andrew ang pangalan niya base sa tawag ni Roden sa kanya.

"Sayang naman, sis... ano ngang dahilan bakit kayo naghiwalay ng ex boyfriend mo? mukha namang mabait, gwapo pa saka mayaman teh?" nakapangalumbabang tanong muli ni Mia.

"Hindi kami magkasundo sa ilang mga bagay" simpleng sagot kong napatingin sa orasan ko.


" Oh, aalis ka na?"

"May klase na ako" sagot ko kay Mia na tumayo na.

"Maiwan ka na diyan kung gusto mo pang titigan si Andrew" sagot kong natatawa dahil patay na patay si Mia dito, na minsan din ay nakakairita na rin dahil sa kakulitan niya tungkol sa lalakeng iyon.

"O sige, dito na lang muna ako, bakasaling mapansin niya ako eh" sagot nitong nakangiti.

Natawa akong nauna. Kailangan ko pang dumaan ng library bago pumasok sa klase ko.

Si Mia lang ang nagiisang pinakamalapit kong kaibigan dito sa University. Siya rin ang tumulong sa akin na makapasok sa coffee shop na pinagtratrabuhan ko, kung meron akong pinagkakatiwalaan dito ay si Mia yun.


*

Halos hapon na paglabas ko, medyo makulimlim ang kalangitan. Tiningnan ko ang telepono kong umaasang may text na sa akin mula kay Dylan, ang kapatid ko.

Ate, mamya pa daw kami uuwi ni Auntie Minda- text mula kay Dylan.

Napabuntong hininga ako, ibig sabihin ay kailangan ko pang maghintay ng ilang oras.

Bumalik ako sa library. Kailangan kong magpalipas ng ilang oras. Hindi ako pwedeng umuwi na naandon si Uncle Roman, ang asawa ng tiyahin ko.

Naisip kong tapusin ang ilang take home research ko, panay din ang tingin ko sa telepono kong sakaling mag text ulit si Dylan. Halos pasara na ang library ng lumabas na akong naghintay na lang sa waiting area ng mga estudyante. Pansin ko ang ilang mga estudyanteng palabas na rin ng eskwelahan, ang mga may practice sa laro, at malamang ang ilang estudyanteng nagoovertime sa ilang clubs na sinalihan nila.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon