***
"Hindi na yata darating si Prof. Chavez" ani kong sambit sa katabi ko.
"Yeah, at hindi naman na lelate yun" tawa ni Liam.
"Maigi nga yun, para makapagpahinga naman tayo sa Subject niyang boring" sambit pa nitong muli na natatawa.
"Kaya ba lagi kang tulog?" tanong kong tumango naman ito ng mapansin ko ang text mula kay Dylan, mahuhuli siya ng uwi dahil may meeting sila sa klase. Aktibo si Dylan sa eskwelahan. Lider din siya ng mga club at Student Body nila sa elementarya.
"Who's that?"
"Huh? kapatid ko" tipid kong sagot na nirereplayan si Dylan. Pansin kong nagsisilabasan na ang ilang estudyante marahil di maintay si Prof. Chavez.
"Y-your brother, how old is he now?" tanong nitong muli.
"Eleven this year, pitong taon ang tanda ko kay Dylan, mag e eighteen na ako ngayong taon" sagot kong excited isiping makakaalis na kami sa mga susunod na buwan.
"You live with your?" tanong nitong muli.
"Sa tita ko, kapatid ni Daddy. Sila rin ang guardian namin ni Dylan" sagot kong di pa rin siya tinitingnan, di ko alam kung saan patutungo ang pagtatanong nito.
"What do you mean guardian?" tanong nito.
"My parents got into accident 4 years ago. Ang Auntie ko ang pinaka matanda at closest relative namin, kaya sila ang nakasulat na guardian namin ni Dylan, pero sa mga susunod na buwan legal adult na ako" sagot ko.
Tumango naman ito.
"Are they good sa inyo ng kapatid mo?" tanong nitong muling tinanguhan ko.
Ilang estudyante na lang ang natira sa AVR, ang ilan ay nagaaral. Ang ilan naman ay tumatambay na lang ditong nagiintay ng susunod nilang subject.
"So kamusta na kayo ni Mia?" pagiiba ko sa usapan.
"Ha?" salubong na kilay nitong tanong.
"Kinikilig daw siya sayo" sagot kong natatawa.
"It's not funny Cielo, ayoko sa kaibigan mo" masungit nitong sabi ng tumunog ang telepono nito.
"Yes, I'm not going Bok" sagot nito.
"I'm busy" sagot pa nitong napatingin muli sa gawi ko.
"Damn Marcus! ang kulit mo!" sigaw nitong umaalingawngaw pa ng boses, napatingin pa ang ilang estudyante sa gawin namin.
Sinenyasan ko itong babaan ang boses.
"And you have the guts to laugh at me? F**k off pare" iritang sabi nito humina ang boses saka nag off ng telepono.
"Ang init agad ng ulo mo, para kang may anger management issues" komento kong biro.
"Sorry, napikon lang" sagot nitong napahawak lang sa batok niya.
"May lakad ka ba?" tanong kong nagliligpit ng gamit ko. Naisip kong umuwi ng maaga.
"Wala, pupunta ka pa ba ng library? I'll go with you" ani rin niyang nagligpit din ng gamit.
"Hindi, uuwi na ako" sagot ko.
Medyo makulimlim at mukhang uulan pa.
"I'll bring you home then" ani nitong tumayo na.
"Hindi na Liam, kaya ko na... sanay akong magcommute" pilit ko.
"I insist Cielo" mabilis na sagot nito.
