***
"Bok, sorry na stuck kami sa traffic" ani ni Albert.
"Huh?"
"Okay ka lang Dude?"
"Huh, oo" sagot kong nakatingin lang si Belle.
"Tara na" aya ni Albert na iginiya si Belle sa harapan. Sumakay ako sa bandang likuran.
"Belle, sa inyo pumapasok si Roden di ba?" tanogn ko.
"Oo, why?"
"W-wala, wala" sagot kong napatingin sa labas.
Nagpahatid ako sa condo. Naglabas ako ng inumin, I felt something, an undescribable feeling...maybe relieved na nakita ko siyang muli. She changed... tumangkad siya, humaba ang buhok, nagmature ng konti in the sense na nagdalaga na.
Napahinga ako ng malalim.
Ilang taon na nga ba siya? Seventeen? Eighteen?
Naligo ako at pinilit kong magpahinga.
Naalimpungatan akong hangos muli, pareho parehong panaginip... kay Mommy , ang aksidente naming ni Andrei, at ang pag iyak ni Cielo sa ospital.
Napatayo akong napabangon. Halos mag aalas dose na ng gabi ng tumunog ang telepono ko.
"Marcus"
"Bok, hindi ka ba pupunta dito?"
"Huh?"
"Nandito kami sa bar with the gang" aniyang tawa na rinig ko ang ingay sa back ground.
"Sino sinong naandyan?" tanong ko.
"Lahat ng nasa club, mukha na ngang mini rave party, nandito lahat ng members ng track club" aniya.
"Yung pumyansa sa akin nandyan ba?" tanong kong umaasang baka kasama si Cielo.
"SI Roden? Yeah... why?"
"With his group?" tanong kongmuli.
"Yes, and their girls" aniyang tawa. Ramdam ko ang kaba sa dibdib.
"I'm coming" ani kong nagbihis agad.
Dala ko ang sasakyan kong tumungo sa bar. Sa bungad pa lang ay ramdam ko na ang ingay at komosyon.
"Hi Drew!" ani ng ilang kababaihang nilagpasan ko.
Tanaw ko na agad sina Marcus, napatingin ako sa bandang kaliwa niya ang grupo nina Dane kasama si Roden.
"Bok" ani ni Marcus na sumalubong.
Tumango akong tumabi kay Belle, sa harapan ng grupo nina Roden. Nilingon ko siyang abalang kausap ang katabi niyang humahalik pa sa leeg nito. Ramdam ko ang init ng mukha kong di ko masyadong maaninag ang babae dahil sa dilim.
"Okay ka lang?" ani ni Belle na napahawak sa braso ko.
Tumango ako.
"Ang higpit ng hawak mo sa wine glass mo" aniyang bulong na napatingin si Roden na tumangong napansin ako.
"Drew" aniyang tango.
Napatingin ako sa katabi niyang napahinga ng malalim. Hindi si Cielo yun.
"Where's your girlfriend?" tanong ko.
"I am the girlfriend" sabad ng babaeng katabi nito.
"Bakit love meron pa bang iba?" aniyang baling kay Roden.
Umiling na tumawa si Roden. Nairita ako.
Nagpaalam ang katabi niyang babae na magbanyo.
"You're cheating" komento kong muli na humawak si Belle sa braso ko.
