***
"Kosa" tawa ni Marcus.
"Gago!" sagot ko.
"At may bago ka pang classmate ngayon" aniyang tawa pa rin pumyansa sa amin ni Albert.
"Akala ko Bok, nagbagong buhay ka na... himalang hindi ka nagpacheck ng attendance dito ng ilang buwan" komento ni Nico na lalong nakapagpatawa kay Marcus.
"Shut up Dude!" sagot ko habang pumipirma ng release papers namin.
Pansin ko ang lungkot ng mukha ni Belle na nakatingin kay Albert.
"Oh, mamiss ka namin bata" tawa ng isang warden doon.
"Ako din po, mami miss ko kayo" sagot kong nakatawa. Dahil sa halos labas pasok ako dito ay kilala ko na ang ilan sa kanila.
"Tama na yan, gamutin na natin yang mga sugat ninyo" irap ni Belle.
"Oh Bok, gagamutin na daw ni Belle ang sugat mo sa puso!" tawang kantyaw muli ni Marcus kay Albert.
Napailing ako.
"Kung bakit naman kasi puro init ng ulo ang pinapairal" ani ni Belle na kunot ang noo.
Napaaway kami dahil sa may bumastos kay Belle sa pinuntahan naming bar kagabi, naunang sumugod si Albert na sinundan ko.
"Mauna na ako" ani kong nagmadaling nauna.
Naligo ako at nagbihis.
Sinundan ko ng tingin sina Cielo at Dylan sa isang Mall.
Pansin ko ang mukha ni Cielo na malungkot at mukhang balisa.
"Ate" ani ni Dylan na nagpapatusok ng inumin nito sa isang food chain.
Malungkot ang mata nitong nakatitig sa kapatid.
*
"Dude, lagi kang nagmamadali"
"Leave him alone Marcus" saway ni Belle.
Tanging kay Belle ko lamang nabanggit nag tungkol kina Cielo dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon na nakita niya ako sa mall na natingin kina Cielo at sinundan.
Napatingin ako sa orasan kong halos hapon na ngunit wala sina Dylan. Sumunod ako sa eskwelahan na pinapasukan ni Cielo ngunit di ko rin siya nakita sa intayan kung saan siya madalas sinusundo ng driver nila.
Nang sumunod na araw ay wala pa rin ang magkapatid. Tumungo ako sa bahay nilang pansin ko na may bagong sasakyang nakaparke doon.
Pansin kong ibang kasambahay na rin ang nagtapon ng basura nila sa labas, wala na rin ang sasakyan nila at ibang pamilya na ang nakatira doon.
Ramdam ko ang lungkot at pagaalala.
Napag alaman kong naibenta na ang bahay.
Wala ako sa sariling lumisan sa lugar na iyon, pakiramdam ko ay may kulang at nawala lalo sa akin.
"Laya ka na Madrigal" ani ng isang warden doon muli.
"Bok, malapit ka ng maging stockholder ng kulungan na to" biro ni Marcus , di ako umimik.
"Uh, sorry" ani ni Marcus muling tumahimik, marahil pansin na wala ako sa hulog makipagbiruan ngayon.
Nagpahatid ako sa bahay. Hindi rin ako makatulog, napaaway na naman ako kagabi katulad noon nakaraang gabi sa race track.
Fuck Life! Bakit hindi ko mahanap ang katahimikan ko?
Wala sa sarili akong umiinom ng marinig ko ang bukas ng condo ko.