Chapter 49

12.6K 363 11
                                    




***


Halos mapaupo akong nanlamig ang pakiramdam ko. May mga tumatakbo sa isipan kong ayaw kong tanggapin.

Posible ba yun? Naisip ko ngang hindi ko masyadong kilala si Liam, masyadong mabilis ang pangyayaring naging kami. Alam kong mahal niya ako, napatunayan ko yun... kaya niyang magsakripisyo para sa akin, sapat na iyon para sa akin upang magtiwala sa kanya.

Gulong gulo ako, tiningnan kong muli ang hawak ko. Napaluha ako sa walang dahilan. Natatakot ako sa posibleng koneksyon nito sa amin ni Dylan ngunit ayaw ko namang pangunahan.

"Kaparehong petsa ng pagaaksidente nila Mommy, at kung saan ang pinangyarihan..." sambit kong muli.

Hindi ito maari... siguro naman nagkataon lang ito!

Kailangan kong umuwi, at alamin... naisip ko ang ilang dokumentong ibinigay ni Ate Luisa. Naalala kong muli ang sinambit nito noong huli kaming magkita.

Napahilamos ako ng mukha, para akong nanlamig at di tumitigil ang kaba ko.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam kong parang nanginig ang mga kamay kong ayaw tumigil sa pagkabog ng dibdib ko.

Huminga ako ng malalim.

"Hi cielo!"

Gulat akong napalingon at parang nataranta.

"Oh, ba't parang gulat na gulat ka?" tanong ni Belle na kasama si Marcus na siyang bumati at si Albert.

"Okay ka lang?, parang namumutla ka" ani ni Belle na humipo sa noo ko.

"Sis, parang pinagpapawisan ka ng malamig... ayos ka lang ba?" tanong nitong tumabi sa akin.

"Here, uminom ka muna" ani nitong abot sa binuksang tubig ni Albert.

"O-okay lang ako" sagot kong isinilid agad ang envelop sa bag ko.

"S-salamat" baling ko kay Albert at Belle.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong nitong muli.

Tumango ako.

"Na drained lang ako sa exams kanina'" pagsisinungaling kong ngumiti. Napalingon ako kay Marcus na rinig kong kausap marahil si Liam.

"You have to come here Bok" rinig kong ani ni Marcus sa kabilang linya.

"Marcus, wag na ... okay lang ako, iintayin ko na lang si Liam" saway ko.

"Gusto ko lang makita kung paano mataranta si Liam" ngisi nito.

Napailing akong napatingin kay Belle.

"M-may sasabihin ka ba?" tanong nitong inilingan ko. Naalala ko kung gaano ang pagkadisgusto niya kay Melissa, iniisip ko kung may alam rin ba siya dito.

"I'm here"

"Ang bilis mo bok,3 minutes and 54 seconds" tawa ni Marcus.

"Sira ka talaga Marcus" saway na tawa ni Belle na tumayong sinenyasan si Liam na tumabi sa akin.

"She's not feeling well, mukhang namumutla" ani ni Belle.

"B-baka buntis?" tanong ni Marcus muli.

"Shut up Bok" saway ni Liam.

"Are you okay?" malumanay na tanong nito.

Tumango ako.

"O- okay lang ako, pagod lang" sagot kong ngumiti ng tipid dito. Napalingon akong nakatitig lang si Belle sa akin.

"Mauna na kami guys" akay patayo ni Liam.

Iginiya ko nito sa sasakyan niya. Maaga pa para sunduin si Dylan, ngunit gusto ko na ring umuwi at makita ng mga dokumento ibinigay ni ate Luisa.

Broken SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon