chapter#6

2.1K 40 0
                                    


"Doc. Albert, OK na po lahat ng papers ng mga employee para sa kanilang yearly check up."

"Very good nurse Anna,thank you huh ang sipag mong magpaalala sa mga employee ng company na ibigay kagad ang kanilang mga papers."

"No problem po Doc!, mukha pong may lakad kayo huh!"

"Yes, it's my wedding anniversary today, at baka masaraduhan ako ng bahay pag hindi ako umuwi ng maaga. And Anna thank you huh at pumayag kang mag OT, babawi nalang ako sayo next time."

"Naku Doc! Wala pong anuman and beside wedding anniversary nyo po ng misis nyo. Ok lang po."

Ngumiti ng napaka tamis si Doc Albert, napaka bait na asawa ni Doc. First wedding anniversary nila kaya naman dapat lang na mag celebrate sila.

"Alam mo nurse Anna, pag nagka-asawa kana tyak akong napaka swerte ng lalaking mapapangasawa mo. Sa sipag at maalaga mong yan nako his very lucky."

"Kayo po talaga Doc,eh wala nga po akong nobyo eh pag aasawa kaagad ang sinasabi ninyo."

"Anu–? What do you mean na wala kang boyfriend? Sa ganda mong yan!"

"Wala po kasi sa isip kong mag nobyo at saka po gusto ko munang makapag trabaho."

"Mag isang bwan ka palang na nagkatrabaho dito diba?, sa tingin Ko may umaaligid na dyang mga prospective boyfriend hehehe."

"Kayo po talaga Doc, baka po magulo na po kayo sa lakad ninyo mag 4 PM na po at mukhang traffic pa."

Kailangan ko ng paalisin si Doc Albert, dahil nahihiya na akong pag usapan ang tungkol sa pag nonobyo. Dahil sa totoo lang ay hindi Ko alam ang isasagot ko sa iba pang tanong ni Doc about sa bagay na yon.

At nagmadali na ngang nagligpit si Doc Albert at umalis. Malapit na din pala akong mag out kaya naman bago ako umalis ay may idadaan lang akong ibang request sa HR ng ibang department para sa mga ibang employee na hindi Ko pa nakukuhanan ng mga sample para sa kanilang yearly check up.

Pasado alas singko na pero marami pa din ang tao sa buong building, mukhang marami ang mag oover time. Pag kalabas ko na elevator ay meron akong nakasalubong na ilang kalalakihan na mukhang mga body guard. At sa likuran ng mga ito ay isang may katandaan ng lalake ngunit may ilang hibla ng buhok nito ay puti na.

Old, but not old by his look.

Mukha itong makapangyarihang tao. Base na rin sa itsura at tindig mukhang nag mamadali ang mga ito.
Tutuloy na sana ako sa HR ng may marinig ako, mukhang nagkakagulo at sumisigaw ang ilan.

Tulong––tulong, tumawag kayo ng doctor.

Napatakbo ako bigla at hinanap kong saan ang boses ng humihingi ng tulong. At ng makita ko ang nangyayari ay agad kong dinaluhan ang kumosyon.

Nakita ko ang isang batang babae na nangangaligkig, at mukhang inaatake ito ng epilepsy. Agad kong hinawi ang ilang nakapalibot sa bata at sinabing bigyan ng hangin ito.

"Don't worry nurse po ako. Pengi po ako ng malambot na bagay, kailangan hindi mabagok ang ulo nya kahit anu po.!"

May nagmabuting iabot ang suit ng isang impleyado. Agad Kong inilagay ito sa ulo ng bata at nakita Kong nagkikiskisan na ang ngipin ng bata. At napapailing ako dahil wala akong makitang ibang bagay na pwede Kong gamitin para mapaghiwalay ko ang mga ngipin nya.

My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon