Chapter#88

1.2K 32 2
                                    


Nang tangkang lalakad pa si Anna ay sumigaw si Leo na sya nalang ang lalapit dito.



Di alintana nila ang mga taong nakapansin na sa kanilang dalawa. Lalo na kay Leo na alam naman na isang sikat na aktor.





Dahil mapapalayo pa si Leo kung gagamit pa sya ng elevator kaya naman naghagdan nalang sya. Labis ang saya ng mga puso nila Anna at Leo.






Hindi mapigil ni Leo ang hindi mapaluha habang naglalakad at hindi parin inaalis ang mga mata sa kinalulugaran ni Anna.






Dahil sa hindi na rin makapaghintay si Anna ay nagsimula narin itong maglakad upang magkasalubung na sila.






Ang mga tao sa paligid ay mistulang natitigalgal matapos madaanan ni Leo. Ang iba ay lantarang inilalabas ang mga dala dalang gadget upang makunan ito ng larawan.





At ng marating ni Leo ang gitna ng lobby ay wala doon si Anna Nagpaikot ikot sya ng tingin ngunit wala ito doon.






Sandali lang syang nalingat dahil may pader na nilagpasan sya kaya nawala sandali sa paningin nya ito.






Bigla na naman ang pagdagsa ng kaba sa puso ni Leo. Abot kamay na nya ito pero bigla na namang nawala.






Minsan ay naisip din ni Leo kung tama ba ang sinasabi ng doctor nya sa kanyan na nakakabuo sya ng halusinasyon ng imahen Anna.







Pero alam nyang hindi yong kathang isip lamang. Si Anna talaga ang nakita nya.






Napaluha na ng tuluyan si Leo sa kawalan ng pag asa. Labis ang sakit na nadarama nya ngayon.







" Anna! Nasan ka na?"








" Nandito ako Leo!"






Nagulat pa si Leo ng marinig nya ng malapitan ang tinig ng babaeng matagal din nyang pinangulilaan. Halos ilang diba lang ang layo nila sa isa't isa.







Dahan dahang pumihit patalikod si Leo at ng makita nya nga si Anna na medyo hinihingal pa pero nakangiti sa kanya ay hindi nya napigilan ang sariling takhuhin ito at buong pusong niyakap ng napakahigpit.






My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon