Nang Gabi ding yon ay umalis na ng mansion sila Don Leon at Lira. Pinuntahan ako ni Choleng upang tanungin kung sasama ba daw akung mag hatid. Ngunit nag dahilan nalang akung sumama ang pakiramdam ko. At ng gabi ding yon ay hindi ako bumaba upang mag dinner. Ayaw kung mapansin nilang namumogto ang mga mata ko dahil sa pag iyak ko.
At lalong ayaw kung ipakita kay Leo na labis akong nasaktan sa mga nangyari at sinabi nya ng hapong iyon.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising at naabutan ko sa kusina sina Nana Belen at Choleng na nag hahanda ng agahan. Minabuti kung tumulong na sa kanila dahil di naman ako sanay na makitang abala ang lahat tapos ako seating pretty.
"Kami ng bahala dito Anna , ikaw ay doon na sa kumidor at mag almusal na dahil kagabi ay hindi ka naggabihan."
"Ok lang po Nana Belen, mas masarap pong kumain pag pinaghirapan lutuin."
Nang mapag Isa kami ni Nana Belen sa kusina ay nagulat ako sa sinabi nya sakin.
"Di na ako bata para di ko napansin na may kakaiba sa inyo ni Leo."
"Po? Wala naman pong Kakaiba Nana Belen." Pagkakaila ko pa
"Kayo talagang mga bata kayo, matanda na ako kaya alam kung may problema. Si Leo Simula noong magsimulang mag binata ay naging mailap na samin."
"Ok lang po ako Nana Belen, wag po kayong mag-alala "
Alam kung may sasabihin pa sana si Nana Belen ngunit muling pumasok si Choleng kasama na si Mayet. Nauna akong kumain at sa kusina na mismo ako nag almusal. Nagdahilan nalang akong maaga akong magiikot ikot sa hacienda para si Leo nalang ang asikasuhin nila.
Sa likod bahay ako nag daan at doon din ako dumaan ng bumalik ako bago magtanghalian. Hindi ko man gustong umiwas kay Leo pero sa tingin ko ay yoon ang tamang gawin sa sandaling ito.
Hindi ako galit pero hindi ko din alam ang itatawag sa nararamdaman ko. Kaya iiwas nalang muna ako hanggat pwede.
Nang tawagin ako upang mananghalian ay sinabi kong busog pa ako dahil pinakain ako ng mga magsasaka. Totoo naman na kumain ako sa mga magsasaka dahil ng magawi ako doon ay sama samang nag me-meryenda ang mga ito. Hindi naman ako makatanggi kaya nakikain nalang ako.
Nagbabasa ako ng pocketbook ng biglang may kumatok ulit sa pinto. Hindi ko na pinansin ng bumukas ang pinto dahil si Choleng lang naman ang madalas magpunta sa silid ko.
Kaya naman patuloy parin ako sa pagbabasa. Alam kung naglalakad sa loob ng silid ko si Choleng. Pero may naamoy akong Cologne na alam ko kung kanino. Leo!
Napamaang ako ng tingnan ko ang taong pumasok sa kwarto ko. Si Leo nga! At nakapamulsa pa. Napaka neat at mukhang napaka bango ng itsura nito. Haysss ang gwapo! Agad akung umiwas ng tingin dahil baka mapansin nya ang munting paghanga sa mga mata ko.
"Ba–bakit ka nandito?"
Tanong ng di man lang sya tinatapunan ng tingin.
"I just want to check on you! Maghapon na kitang hindi nakikita. Iniiwasan mo ba ako huh Anna !"

BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side