Rey's PVO.....
Lalapitan ko sana si Anna ng makita ko si Nana Belen na kausap pala ito. Kaya naman ng tangkang tatalikod na ako ay biglang nagsalita si Anna. Tuloy nagpasya nalang akong pakinggan ang pinag uusapan ng mga ito.
Di ko matukoy kong anu ang pinupunto ng kanilang usapan. Ngunit isa lang ang alam ko. Leo hurts Anna at di ko yon palalampasin.
I hate it when I saw Anna's crying. Kung sana ako nalang ang nakatuluyan nya disinsanay masaya sya at di lumuluha ng ganito.
Tapos narinig ko ang sinabi ni Nana Belen na mukhang mahal na diumano ni Anna si Leo. It's makes me feel hurt when Anna didn't answer the question that I want it to hear "Tulad ng di ko sya mahal Nana Belen". Sa halip ay iba ang isinagot nito. Sa tono palang nito ay dama ko ng may nararamdaman na nga ito kay Leo. But that bustard is an idiot. Di nya alam ang pinapakawalan nya.
And then Anna stayed alone in the balcony. Tears falling to her eyes. I can't go beside her to swipe her tears and tell her that I'm here to comfort her. Na nandito ako nagmamahal sa kanya ng totoo. Pero di ko ginawa dahil gusto ko nalang syang hayaang ubusin ang sakit na nararamdaman nya. Ubusin ang luha nya para sa walang kwentang tao gaya ni Leo.
I'm not totally mad at Leo in the first place, siguro nagkaroon lang ng ganitong pakiramdam when Anna is involved. Dahil alam kong may ibang gusto si Leo at alam ko ring di nya mamahalin ang babaeng mahal ko.
At kung di nya kaya I'll do everything just to be the right person to Anna's heart. Tama! I will get Anna's heart!"
Leo's POV......
Pagkagising ko ay agad kong naramdaman ang pangingirot ng kanang braso ko. Inikot ko agad ang paningin ko sa paligid at nakita ko na nasa loob ako ng silid ko.
Agad akong umupo at napansin kong may nakapatong palang bimpo sa noo ko dahil nalaglag ito ng maupo ako. Mukhang nagkalagnat ako. Piping Turan ko sa sarili ko.
Mukhang ako yata ang napuruhan sa nangyari samin ni Rey huh. Naiinis ako dahil di ko alam ang problema ni Rey ng bigla nya nalang akong sapakin. Ngunit ng sabihin nito ang pangalan ni Anna ay nahulaan ko na ang ibig nitong ipatungkol sakin.
Tumayo ako at pumunta sa bintana, na dapat pala ay di ko ginawa. Mula roon ay kitang kita ko si Anna at Rey na magkayap.
Nag igting ang mga bagang ko sa biglang pagdagsa ng galit sa buong kalamnan ko. Ang mga walang hiya dito pa talaga sa hacienda nag lalampungan.
Naikumyos ko ang mga palad ko dahil sa galit lalo na ng makita kong hinagkan ni Rey si Anna sa pisngi. Damang dama ko tuloy ang matinding pagkirot ng braso kong may Cass pala, di ko napansing may nakalagay na Cass sa braso ko. Mukhang nabalian yata ako ng natumba kami ni Rey. Pagminamalas ka nga naman.
Saglit lang nawala sa paningin ko ang dalawa dahil tiningnan ko ang braso kong kumikirot. At ng muli kong tingnan ay kumakaway na itong si Anna sa papalayong sasakyan ni Rey.
Kita ko sa mga mata ni Anna ang kalungkutan bahang kumakaway sa papalayong sasakyan ni Rey. Siguro dahil ayaw pa nitong magkalayo sila. Nagtangis na naman ang aking mga ngipin sa labis na panibugho. Hindi na nahiya ang mga ito na ipakita ang kanilang pagtangi sa isa't isa gayong nandirito pa ako.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
Любовные романыShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side