Leo's POV.......
Ayaw kung mag isip ng kung anu ngayon. Kinakabahan ako at natatakot. Na may mawala na namang importanteng tao sa buhay.
"Wag po si Anna pls!"
Turan ko pa habang papalabas kami sa malakas na snow storm.
"Leo hindi yata magandang desisyon na sumama ka pa sa kanila. Hayaan mo nalang silang mag hanap kay Anna."
"Desidido na ako mang Danny. Kailangan akung sumama sa kanina. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung di ko makikita si Anna ngayon gabi."
"Pwes sasama ako sa inyo ng may dagdag na taong maghahanap."
"No! you'll stay here. Makakasama na ho sa inyo ang matinding lamig sa labas. I can handle my self I will find Anna."
Naiintindihan naman ako ni mang Danny. Kaya naman ibinigay pa nito sakin ang scarf nito at ibinalot sa leeg ko.
"Get her safe ok! Pati ikaw kailangan ligtas ka rin kundi malilintikan ako nito kay Belen."
Nginitian ko si mang Danny bilang tugon sa sinabi nito. Oo hahanapin kung mabuti si Anna at iuuwi ko sya.
At tinawag na ako ng mga naupahan kung sasama sakin. Kanina ay akala ko na nasa cafe' lqng si Anna. Nakita ko pa syang naglakad paalis pero di ko pinansin iyon. Ang buong akala ko kasi ay may bibilhin lang iyon.
Pero ng nagtagal na at di na mahanap ng mga mata ko ito ay humingi ako ng break at tinanung ko si mang Danny about kay Anna. Pero maging ito ay walang alam. Hindi pa ako kinabahan nung una pero nang magtagal ay yon na nga ang naramdaman ko.
Ang hirap mag hanap ng tao sa isang banyagang lugar. Some of people there can not speak English although I think they can understand. Pero hirap silang sabihin ito sa English.
Mga halos isang oras na rin iyon pero walang Anna. Kaya naman ng may lumapit sakin isang koreana at sinabing may naalala syang babae na may scarf na katulad ng sinasabi ko ay nabuhayan ako. Tapos sinabi nyang dapat tanungin ko daw si Daniella kasi ito ang huling kausap nito. Itinuro pa nito si Daniella sakin.
"That woman I saw her talking to your wife earlier."
Bigla akung nakaramdam ng kakaibang damdamin para kay Daniella. Ayaw kung mag isip ng masama pero di ko maiwasan. Sana mali ang iniisip kung si Daniella ang may kagagawan kung bakit wala si Anna.
At mas lalo pa akung kinabahan ng lumapit sakin ang isang guard at sabihin nito sakin na may lumapit sa kanya kanina na tama sa discription ko.
Nagtanong ito kung saan daw ang malapit na botika dahil may isang crew umano ang nagka fever. Naikuyom ko ang aking kamay dahil na punto ko na si Daniella nga ang may kagagawan.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
Storie d'AmoreShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side
