Si Rey ay di maitago ang kanyang paghanga sa papalapit na bride. Nanghihinayang man sa nabigong pag-ibig ay masaya naman sya sa babaeng pinakamamahal nya dahil nakikita nyang napaka saya nito.
Si Norman naman ay pilit itinatago ang sakit sa nakangiting mga labi ng magkasalubong ang kanilang paningin ni Anna. Matamis na ngumiti itong si Norman ng tanguan sya ni Anna.
" He is so blessed to have you. My dear Annie! "
Naiusal pa ni Norman, Sabay ang pag patak ng luha nito. Pagkalagpas ni Anna dito ay tumalikod na ito at lumabas na ng simbahan.
" So what now?"
Tanong ni Vanjo pagkasakay ni Norman sa sasakayan.
" Were leaving the country, Inaayos ko lang lahat then aalis na tayo."
" Are you not going to say goodbye to Annie?"
" Hindi na siguro!"
Hinawakan ni Vanjo ang balikat ng kaibigan tanda na sinusuportahan nya ito. Dahil di naman lingid dito na may nararamdaman ito para kay Anna.
Nang papaalis na sila ng simbahan at papaliko na ay may biglang nag over-take sa kanilang sasakyan. Napakunot ang noo ni Norman sa biglaang pagharurot nito.
At nagkatitigan pa sila ng driver ng sasakyan. Biglang napaisip si Norman, dahil parang nakita na nya ang lalaking iyon kung saan.
" What the f*** , Gusto mo bang habulin natin ang angas non ah Norman?"
" Wag na Vanjo."
At tuluyan na ngang nilisan ni Norman ang naturang lugar. Nag isang sulyap pa sya sa lugar kung saan ay tuluyan nyang iiwan ang babaeng pinakamamahal.
Sa kabilang banda naman ay maganda at masayang natapos ang kasalan. Lahat ng bisita ay dumeretso sa hacienda ng mga San Martin.
Naging masagana ang naturang kasalan. Punong puno ng kanyawan at tawanan ang buong lugar.
" So kumpadre kailan kaya tayo makakakita ng malilit na apo natin."
" Aba'y gusto ko rin yan kumpadre. Kaya nga sinabihan ko na itong si Leo na magmadali na at ng mapuno ng halakhakan ng mga apo ko itong hacienda."
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomansShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side