Cedric POV.......
Nakakairita talaga ang Norman na iyon. Oo kinatatakutan sya dahil daw sa reputasyon nito at sa dami ng galamay nito mapa ligal mn ito o iligal. Madaming nagsasabing malupit itong tao at walang sinisino.
Dahil nga sa napaka yaman nito at nagmula rin sa mayamang pamilya ay baliwala rito ang gumawa ng anumang gulo. Dahil sa isang kumpas lang daw nito ay baliwala ang mga gawin nitong hindi maganda.
At mukhang sabi sabi lang naman iyon. Dahil kung tititigan mo ito ay mukha naman itong di ganon kalakas. At sa pangangatawan ay mas malaki ang katawan ko dito at mas matangkad ako dito.
At ang babaeng kasama nito. Grabe talagang type na type ko ang dating nito. Mukha namang hindi ito asawa ni Norman dahil kung tama ang tsismis ay hindi ito ang tipong babae ng lalaking yon.
Gustong gusto ko talaga ang mga babaeng parang inusente at walang muwang. Kaya naman di magtatagal ang mapapasakin din ang babeng iyon.
" Cedric are we going? "
" Ah yeah.. mag lalanding lang din tayo sa Japan bago tayo tumuloy sa pilipinas."
May co-pilot kasi akung kasama kya naman hindi ganon kahirap ang trabaho. Pag naiisip ko talaga ang Norman na iyon ay kumukulo ang dugo ko.
Akala mo ay utusan nya ako para sabihan nalang ng ganon ganon. Kung hindi lang malaki laki ang ibabayad noon ay hindi ko tatanggapin ang inalok ni Carlos sakin.
Norman's POV........
Sa wakas nasa japan narin kami. Sana naman maayos ang mga nakuhang kargamento nila Vanjo. Naisip kung ako nalang ang bababa ng eroplano tutal susunduin ko lang naman sila.
Tulog na tulog naman ang kasama kung babae kaya hindi ko na ito gigisingin pa.
Bago ako umalis ay muli kung sinulyapan ito at talagang tulog na tulog ito. Napangiti pa ako ng wala sa loob ko.
Bago pa ako tuluyang makababa sa eroplano ay nakasalubong ko pa ang co- pilot ni Cedric Lagman. At sumaludo pa ito sakin. Pabalik ito sa loob ng eroplano at may dalang foodpack.
Nasa waiting area na sina Vanjo. At nagsenyasan lang kami upang alamin ko kung nakuha ba nila o hindi At mukhang sa tungo ng senyas nito ay maganda ng balita.
" Nice seing you again Vanjo."
" You too boss, it's been a year!"
" Haha boss talaga huh. So pano tayo na!"
Turan ko dito ngunit nanghingi ng sandaling oras si Vanjo dahil nasa banyo raw umano ang kasama nito at mykhang may nakaing hindi maganda.
Kaya naman munabuti naming maupo muna ni Vanjo upang hintayin ang kasama nito. Nang may nahagip ang mga mata kung pamilyar na bulto ng katawan.
Pinakatitigan ko ang lalaki at naalala kung bigla ang nakasalubong ko kaninang co- pilot ni Cedric. Mabilisakung tumayo at bigla nalang akung kunabahan ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side