chapter #30

1.8K 40 6
                                    

Rey's POV



It's been a month since huling nakita ko si Anna. Dumating ako sa pilipinas dalawang linggo na ang nakakalipas. Mahigit sa dalawang linggo ang inilagi ko sa States dahil sa ginanda ng exhibit ng kaibigan ko. Magtatagal pa sana ako doon pero pinasya kung umuwi muna bago tuluyang pumirma ng contract sa isang kompanya na nakakita sa mga kinuha kung pictures.

Hindi ko inaasahang may inimbitahang propesyonal photographer si Matt, sya ang friend ko na naka base sa States. Dahil sa magustuhan nito ang mga inexhibit na mga pictures ay kinausap nya ako upang sabihin kung gusto kong magtrabaho sa isang fashion magazine.

Isang sikat na fashion magazine na meroon sa ibat ibang bahagi ng mundo. Pero pinaka malaking sangay ay naka base sa New York. Labis ang kasayahang naramdaman ko dahil hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito.

Kaya naman sinabi ko na kung pwede ay bigyan muna nila ako ng isang bwan para maayos ko ang mga naiwan ko sa pilipinas, para makapag tapat narin ako ng damdamin ko Kay Anna. Yes I want to tell her my feelings na sana ay may katugon. Para bago ako pumirma ng kontrata ay labis labis ang kasayahan ko.

Ngunit ang excitement na naramdaman ko ay naglaho bigla ng unang araw ng pagbabalik ko sa pilipinas. Tinawagan ko si Lira upang kamustahin at makibalita narin sana kay Anna.

Flashback back 2weeks ago...

"Hello Kuya Rey?"

"How did you know it's me, baby!"

"Hmmmm I just guessing you know, hmmm are you going back na Kuya?"

"Hmmmm what do you think?"

"Hmmm I think your back!"

"Nice one Lira! Nice guess Yes I'm back and I just want it to surprise you but I can't help it na hindi kita tawagan."

"Your so sweet Kuya... But were not in Manila right now Kuya."

"Huh bakit? Nag out of town ba kayo?"

"Yep! We're here at the province, sa hacienda Kuya. We come here because I want to spent time with my new ate."

Sa binanggit ni Lira ay labis akung nagtaka. New ate? Kaya minabuti kung tanungin ang bunso kung kapatid.

"Pano ka naman magkaroon ng bagong ate huh baby."

"Kuya your so silly, biglaan lang yon. Kuya Leo have a wife now."

"Huh? (o-0) gulat ko, sa nakalipas na dalawang linggo kong inilagi sa America ay nakapagpakasal si Leo?
Paano, saan at bakit? Mga katanungan ko sa sarili ko. Ewan ko pero bigla ang pagdagsa ng kaunting kaba sa dib-dib ko.

May kung anung idea ng pumasok sa isip ko pero ayaw kung bigyan ng atensyon iyon dahil. Natatakot ako sa katotohanan. Ngunit ang kinakakatakutan ko ay narinig ko mismo sa bibig ng bunso kung kapatid.

" Biglaan nga Kuya yong kasalan nila Kuya Leo at ate Anna eh, sa Villa Martina ginanap, tapos sa restaurant lang kami ng celebrate. Kuya? Kuya Rey are you still there?"

Hindi ko alam kung anung gagawin ko, napahigpit lang ang kapit ko sa cell phone. At napaisip na maaring may kinalaman sa madaling kasal nila Leo at Anna si tito Leon. Tama may kinalaman dito si tito Leon. Nagtiim bagang nalang ako at pilit pinipigilan ang emosyon.


"Yes baby I'm still here, but I need to hung up huh. Kuya need to do something eh. So see you soon and don't tell that I'm back OK !"

"Ok Kuya, take care OK and do you have my pasalubong?"

My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon