Chapter#77

1.2K 20 3
                                    




Norman's POV....






" Isasama ko nalang sya sa pag uwi ko ng pilipinas."







" Talaga? kelan ang alis nyo?"







" Bukas na ang alis ko, Dahil umalis na rin at bumalik na sa pilipinas ang pakay ko dito sa Korea."







" Napakabilis naman. Paano sya pag balik mo ng pilipinas?"







" Hmmm I'll think off it my action when we get there."







"Pero Norman paano sya makakauwi ng pilipinas eh di nga natin alam ang pangalan nya paano mo sya makukuhanan ng passport?"






"Naisip ko na yan kaya ipapasabay ko sya sa kaibigan kung piloto. And he say yes kaya misasama ko na sya sa pagbalik ko ng pinas."







" Mabuti naman kung ganon, Ah Norman sana kahit masyado kang busy ay matulungan mo syang hanapin ang mga kamag anak nya at ng makaalala na sya. Naawa na talaga ako sa kanya lagi nalang kasi syang nakatingin sa malayo."







Kahit ako ay ganon din ang napupuna sa kanya. Nakapangatlong araw palang since ng magising sya and tomorrow ay babalik na ako ng pinas. Nung una ay wala talaga akung balak ng isama sya dahil ayaw ko ng ekstrang bagahe o alalahanin.








Ngunit ng di ko sinasadyang madinig ang pag uusap nila ni Conching ay nabuo ang isang pasya na di ko ginagawa noon. Ang maawa sa ibang tao na di ko naman kaano ano.







" Paano po kung wala po pala akung kamag anak dito. At kung base po sa sinabi nyo ay baka po nasama sa landslide ang kasama ko."







" Yong nga rin ang ipinapalagay ko hija eh. Ang kaso walang ni anung balita na may nawawala o naghahanap ng kamaganak na inireport sa Incheon police."







" Ang hirap po kasi, parang may bumabagabag po dito sa puso ko. Na nagsasabing alalahanin ko kung sino ako. Ngunit kahit anung pagpupumilit kung makaalala ay di ko magawa."








" Sana nga ay mapadali ang pag galing mo. At ng makauwi kana sa inyo. Ang kaso si Norman ay magbabalik na sa pilipinas. At tyak akung taon ang aabutin noon bago sya muling makabalik dito."








My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon