Anna's PVO......
Kung nung dati ay lilipas lang at dadaan ang mga araw ay walang masyadong pangyayari ang nagaganap ngayon ay iba. Para akong isang batang may hinihintay na espesyal na bagay na makahanap anu mang oras.
Nang mga nakalipas na lingo ay mas inabala ko ang sarili ko kung saan saan at sa kung ano anu.
Ngayong araw nga ay nasa harapan ko na ang dalawang damit na ipinadala ni Leo para sa makalawa. Ang primier night ng movie nito. At talaga namang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga ito.
Ang gaganda ng mga ito at mukhang mahal, at ganon nalang ulit ang panlalaki ng mata ko ng makita ko ang presyo ng isang damit.
"Susmaryosep grabe namang mahal ng damit na ito.
Pupwede ng ipang buhay ng dalawang pamilya sa isang bwan ang presyo ng damit na ito."
Naisatinig ko pa dahil sa kabiglaan. Hahaha at napalakas ata ang pagkakasabi ko!
"Wow mam Anna ang ganda ganda naman po ng mga damit na yan, ayan po ba ang gagamitin ninyo sa premier night ng pilikula ni señorito Leo?"
"Wow ganda sobra mam Anna!"
Sina Choleng at Maryet na maski sila ay humanga sa ganda nito.
"Sige na mam, sukatin na ninyo yong damit kung anu ang itsura pag suot na ninyo. Ay naku tyak luluha ang mga mata ng mga tao doon pag nakita nila kayo diba, Choleng!"
"Ay tama ka dyan, Meryet."
Natutuwa ako sa reaksyon ng dalawa. At ganon nga ang ginawa ko. Pumasok ako sa banyo at sinuot ang isang pulang damit na litaw na litaw ang likuran ko.
Talaga naman parang hinulma ito para sakin. Dahil di lang sa tama ang sukat kundi pati haba."
Ngunit nakaramdam ako ng kaunting pangamba ng makita ko sa peklat saking likuran. Kitang kita ito pag itong damit na ito ang isusuot ko. Kaya naman mas pinili kong isuot ay ang medyo konserbatibong damit na itim, Masasabi mong conservative ito pero halatang may pagka- modern na medyo daring parin.
Bahagyang mahaba ang slit nito na kita ang binti, pero ang likod naman takip. Medyo may kababaan din ng kaunti ang desenyo ng harapang pang dib dib pero ng isuot ko na ay hindi naman pala ganon kababa. Buti nalang at nabiyayaan ako ng kaunting dib dib. Hehehe.
Kaya naman ng ipinakita ko na ito sa dalawang mukhang gigil na gigil ng makita ay grabe ang kanilang reaksyon.
"Wow na wow mam napakaganda. Bagay na bagay sayo!"
"Ay naku mam Anna tyak akung makakahanap ka doon ng magiging nobyo mo pag nakita ka nila. Hindi ba Choleng?"
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side
