"Aalis ka?––
"Oo mga two weeks siguro ako sa new York, tutulungan ko yong kaibigan ko sa exhibit nya."
Kasalukuyan kaming nasa café ni Rey, break time ko naman kaya pumayag akung sumama para mag meryenda sa kanya.
Alam kung madaming mata ang kasalukuyang nakamasid samin. Pinagkibit balikat ko nalang ang mga iyon. May ilang tao sa opisina ang naglakas loob na tanungin ako kung bakit at paano daw ako naging malapit sa step son ng big boss.
Sinasagot ko naman sila pero ayaw nilang maniwalang
magkaibigan kami ni Rey. Sa totoo lang napapansin kung marami ang palihim na sinusulyapan si Rey. Paano ba naman napaka gwapo naman talaga ng taong ito.
"Photographer ka rin pala ––! Paano?"
Payak na ngumiti si Rey sakin. Parang nasisiyahan sa naging reaksyon ko ng sabihin nyang isa rin syang professional photographer. Talaga naman nagulat ako doon eh.
"Hehehe you know what, your so cute!".
Napatingin ako sa kanya na nag iisip kung bakit napunta sa pagiging cute Ko ang usapan. Hmmmmmm anung sabi nya cute ako 0-o??
"By the next two weeks kasi tutulungan ko syang kuhanan yong ibang kulang sa exhibit, remember noong nag punta ako ng America kaya hindi na ako makakapunta sa orphanage noon ay nag aral ako ng photography."
"Ah kaya pala–– hmmmm nakakabilib lang kasi, biruin mo veterinarian kana photographer pa."
"Asus nang bola ka pa Anna, may gagawin kaba sa susunod na dalawang linggo?"
Anu bayan! Hindi ko maintindihan itong si Rey. Ang lalayo ng mga sagot sa usapan namin.
"Hmmmm Oo eh, magiging busy ako, kukuha nga ako ng two days leave."
"Huh bakit? May problema ba?"
Hindi ko na sinabi pa Kay Rey ang totiing dahilan kung bakit ako mag le- leave ng dalawang araw. Nag dahilan nalang akong uuwi ako samin upang dalawin si Aling Bining. Totoo naman na balak ko din na sumaglit sa bahay upang makita ang bahay at makamusta si Aling Bining.
"Mukhang magiging busy ang mga susunod na linggo natin."
At nagpatuloy na kami sa pag me- meryenda. Talagang magiging busy ang mga susunod na araw para sakin. Sinabi kasi ni Don Leon na sa susunod na linggo daw ay magkakaroon ng general meeting ang mga ka- partner ni Don Leon sa itatayong hotel kung saan nakatirik ang ampunan.
Binibigyan ako ng oras ni Don Leon upang makausap at makumbinsi ang mga investors na umatras at kumuha ng ibang lugar.
Hayssss iniisip ko palang ang gagawin ko ay labis labis na ang kaba ko. Paano kung actual na.
"Are you alright ? Anna."
"Huh Oo naman , mauuna na ako sayo Rey huh madami pa kasi akung tatapusin trabaho para Hindi mahirapan si Doc Albert pag nag leave na ako."
"Ah ganon ba! Sige and thank you sa time mo. See you after two weeks."
"No! Thank you sa meryenda at sa gift mo." Sabay itinaas ko ang isang braso Ko upang ipakita na suot ko ang bracelet na bigay ni Rey.
Nakita ko ang pag ngiti ni Rey. At tuluyan na akung nag paalam sa kanya.
After one week.....
Grabe ang bilis ng oras at araw... This week na. Kaya naman ngayon bumabyahe ako papuntang tagaytay. Gusto sana akung samahan ni Julie kasi biglang nagkaproblema na naman si Aling Juliana.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side