"Anna––,! Aalis ka ba?"
Hayss si Aling bining talaga makakalimutin na talaga, Ako nga pala si Alianna Cruz, Isa akong registered nurse at ngayon nga ay nagpasya na akong maghanap ng trabaho.
"Oho!, Aling Bining nabanggit ko na po sa inyo na luluwas ako ng maynila hindi po ba!"
"Ay naku nagiging nakakalimutin na talaga ako!"
Napangiti ako sa sinabi ni Aling Bining. Sa totoo lang medyo makakalimutin na nga sya dahil nadin siguro sa edad nito.
"Eh bakit ka nga ba matungo sa maynila Anna?"
"Maghahanap po ako ng trabaho sa maynila."
"Abay kelayo naman ng paghahanapan mo ng mapapasukan, aba meron naman dyaang ospital sa bayan hindi ba?"
Napahinga muna ako ng malalim bago ako nagsalita muli.
"Oo nga po, pero maraming magagandang ospital po sa manila na gusto ko pong mapasukan at kung hindi naman po ako papalarin ay malamang po na dito nga po ako sa lugar natin magtrabaho."
"Saan ka naman mamamalagi doon sa manila dahil sa pagkakaalam ko ay dito na tumanda at namayapa si mam Lucia at maging ikaw ay dito na lumaki."
"Hmmmm kay Julie po ako makikituloy pag naswertihan po na makahanap ako ng trabaho doon."
Nakita ko na Sandaling nag isip si Aling Bining. Malamang na iniisip nito kung sino si Julie.
Si Julie ay naging kaeskwela ko noong highschool at naging malapit na kaibigan ko hanggang sa ngayon na sa maynila na ito naninirahan.
"Ay yong anak ni Juliana na nagtatrabaho na sa maynila! Abay kilala ko nga yong batang iyon."
"Matagal ko na pong gustong magpunta ng maynila ngayon po na wala na po si mama Lucia ay gusto ko po sana munang maghanap ng bagong paligid."
Napabuntong hininga ako sa huli kong tinuran. Nalulungkot pa rin kasi ako sa pagpanaw ng itinuring kong magulang.
Si mama Lucia ay ang dati Kong poster parent ng nasa ampunan pa ako. Ang buong akala ko ay doon na ako aabutan ng aking ikalabing walong taong gulang. Dahil dose anyos na ako ay wala paring nag tangkang umampon sakin.
Dahil na rin siguro sa kadahilanang naging mapag Isa ako noon at halos ayaw Kong makisalamuha sa ibang bata sa ampunan. Tanda ko pa ng unang beses namin ni Aira papunta sa ampunan.
Flashback....
"This is all your falt. Kung Hindi dahil sayo malamang na buhay pa sina mommy at daddy."
Tinitigan ko lang si Aira na matamang nakatingin sakin, siguro nga, kasalanan ko kong bakit nangyari ang aksidenteng kumitil sa buhay ng aking tita at tito. Sila nalang ay meron sakin ngunit ngayon ay wala na naman sila ng dahil sakin.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side