Chapter#54

1.3K 25 2
                                    

"His a very cute baby right mama Lucia!"



Yan yong lagi kong sinasabi noon at minsan pa nga ay nabanggit kong pwede ay wag nalang ipaampon si Botchok sa gustong umampon ng baby. Dahil napamahal n nga ako ng todo sa batang iyon. Kaya naman ng magkasakit si Mama Lucia ay napadalang ang pagdalaw ko sa orphanage. Kaya sa tuwing dadalaw ako ay halos ayaw akong pakawalan ni Botchok.



Cute at chubby ang batang iyon pero malayo sya sa mga bata doon. Dahil madalas daw na pagkatuwaan ito ng ibang bata. Kaya naman mas ginugusto nitong sa kusina maglagi kasama si Sister Milagros.



Nakaidlip pala ako sa byahe, medyo malayo kasi ang San Martin sa lugar na kinlalagakan ng Orphanage.


Agad akong tumakbo sa information upang malaman kung saang kwarto naroon ang kwarto ni Botchok.



Pagpasok ko palng sa kwaro at agad kong nakita si Sister Milagros. Naluluha ito sa kalagayan ng munting bata.



May nakakabit ditong oxygen at kung anu anu pang aparato. Labis ang naramdaman kung habag sa itsura ng munting bata.



"Anu pong nangyari sister?"



"Hindi rin namin alam Anna, basta nalang syang nawalan ng malay tapos ang taas ng lagnat nya. Di naman namin kagad napansin kasi napaka sigla nya at di dumadaig yon pala my nararamdaman na pala syang di maganda. Napaka matiisin talaga ng batang iyan."




Agad kung nilapitan si Botchok at hinawakan ang maliit na kamay nito. Medyo nanlalamig na iyon kaya naman hinams himas ko iyon habang tinatawag ang pangalan nito.




Habang ginagawa ko yon ay ikwinento ni Sister Milagros ang findings ng doktor. Namana pala nito ang sakit ng mama nya. May Leukaemia ang mama nito habang ipinagbubuntis palang ito. At ng makapangank ito ay tumagal lamang ang buhay nito till bago mag isang taon si botchok




At bago palang ipanganak ito ay iniwan na sila ng ama nito.



Histiocytic Leukaemia ang tawag sa sakit ni botchok. Labis labis ang lungkot na nararamdaman ko. Kung titingnan mo sya ngayon ay ang laki ng ibinagsak ng katawan nito at talagang namumutla.



Ang sabi pa raw ng mga doktor ay maswerte pa raw ito dahil hindi na raw ito pinahirapan pa ng sakit nito di gaya ng iba.



Ang di ko labis maunawaan ay bakit ganon, bakit sa walang malay na bata dumapo ang ganong sakit kay dami namang masasamang loob dyan bakit ang nagsisimula palang mangarap na bata.




Nasa ganoon akong pag iisip ng magmulat ng mga mata si Botchok.



"Ate--Anna!"



Hirap nyang tawag sa pangalan ko.



"Ako nga! bakit andito ka? diba strong ka bakit nagkasakit ang baby boy namin!"



Turan ko dito na labis ang pagpipigil ko ng aking emosyon dahil nagbabadyang pumatak na naman ang mga luha ko.




Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Rey ang balikat ko upang siguro ay humugot ako ng kaunting lakas ng loob upang di mapaiyak sa oras na ito.




My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon