Continuation.......
Muli akong sinugod ni Rey at walang nakaawat samin hanggat di kami lupaypay sa tindi ng mga tama namin. Dahil doon ay Lalo akong nakaramdam ng galit. Napaka suwerte naman ni Anna dahil hindi lang ang aking ama ang nasa mga palad nito kundi pati na rin si Rey.
"Sinabi ko na sayo once she's hurt I will get her back! At hindi ko na papayagang makuha mo pa sya sakin!"
Hindi ko alam kong pagbabanta ba yon oh panghahamon. Basta ang alam ko lang na si Anna ang tinutukoy nito. Pwes kung ganon hindi ko mapapayagan na ganon ganon nalang ang mangyari. I will never make for the both of them things so easy Isinusumpa ko yan.
"Bitiwan nyo nga ako! Magsibalik na kayo sa mga trabaho ninyo! "
Sigaw ko pa at kitang kita ko si Anna na tumatakbo sa gawi namin. At ng malapit na ito ay saka naman nawalan ng malay itong si Rey.
"Rey.......! "
Sigaw ni Anna na mabilis na tumakbo sa gawi ni Rey. Agad magsipag dulog doon ang ibang mga tauhan at agarang binuhat ng mga ito ang walang malay na si Rey.
Kitang kita ko ang labis na pag aalala ni Anna sa mga mata nito. Parang biglang may kung anung bagay ang sumaksak sa isang bahagi ng puso ko. Bigla ko tuloy nahawakan ang dib dib ko ng wala sa oras.
Parehas lang naman kami nasaktan ni Rey pero bakit mukhang kay Rey pa ito mas nag aalala. Kung sa tutuusin ay ito ang unang nanugod at unang yamado saming dalawa. Ngunit dahil natuto narin ako ng ilang martial arts ay napuruhan ko yata ito.
At ng tangkang susunod na itong si Anna sa mga bumuhat kay Rey ay agad kong hinawakan ang braso nya. Kitang kita ko ang saglit na pag ngiwi nito at ewan ko ba kung takot ang nakita ko sa mga mata nya ng mag tagpo ang mga paningin naming dalawa. Kaya naman ang mahigpit kung hawak sa kanya ay bahagya kong niluwagan.
"Hindi ka ba nahihiya o talagang yan ang tunay mong kulay kaya kahit nasa harap lang ang asawa mo ay kung sino na naman ang kinakalantari mo."
"Bitiwan mo ako Leo, kailangan ni Rey na patingnan kaagad dahil baka may bleeding sa ulo nya at ng maagapan. At kung yan ang iniisip mo sakin ay wala na akong magagawa. "
Hinawi ni Anna ang kamay ko at madaling sinundan si Rey. Nagtatangis ang mga bagang ko sa labis na galit. Oo tama galit itong nararamdaman at hindi selos. Ows! baka naman selos talaga yan. Singit pa ng utak ko.
At habang nakatingin ako sa kanila habang papalayo na sila ay parang biglang nanlabo ang mga mata ko at mistulang nag e-islowmo ang mga kilos nila.
"Sir! OK ka lang ba?"
Di ko na malayang nakalapit na pala sakin si mang Danny. At ng tingnan ko nga sya ay parang tumatagilid ito at biglang nandilim ang paningin ko. Basta ang huli kong natatandaan ay ang pag sigaw ni Nana Belen ng pangalan ko.
"Leo.......!"
Anna's PVO.....
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nang makita ako ni Rey sa likod bahay ay pilit kong itinatago ang pamumugto ng mga mata ko at pati narin ang pag putok ng labi ko. Ngunit Bakit naman kasi lumabas pa ako ng kwarto ko ng maalala kong naiwan ko sa labas ang librong binabasa ko. Kaya nilabas ko iyon ngunit huli na nabasa na pala ito ng ulan kahapon.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side