Leo's PVOSunod sunod na kamalasan, Yong girlfriend ko ay mali yong ex girlfriend ko umatras sa kasal namin kahapon upang unahin ang ambisyon nya. Tapos nagpakalasing ako sa isang bar at ngayon ay may lumabas sa internet na pictures ko na naglalasing sa isang bar.
Dapat pala nakinig nalang ako kay Donald na huwag nagpakalasing dahil makakasama sakin at baka may makakilala sakin at makalikha ng eskandalo. Pero ayon at nagpakalunod ako sa alak. At nakagawa ako ng bagay na talagang malaking katangahan.
Dalawang oras mula ngayon ay magaganap na ang kasal ko. Oo ikakasal na ako sa isang babaeng totally stranger sakin. Although nag krus na ang landas namin, and for the third time ay gulo ang nangyari.
Parang napaka co- incidence ng lahat pero kung iisipin ay may kasalanan din ako dahil nga sa masyado akung distance sa ama ko ay halos wala na akung alam sa pasikot sikot sa mga negosyo. Na may meeting pala ang mga share holders sa Villa ng sunod na araw.
"This is all insane, mali to! "
Turan ko sa sarili ko kaya agad akung tumayo at lalabas ng kwarto ng biglang bumukas iyon. Ang aking dakilang ama. Suot ang napaka gandang Americana nito na lalong nagpatingkad sa katayuan nito. Na halata na masyado itong makapangyarihan at hindi pwedeng baliin ang anumang inutos nito.
"Where do you think your going son? Your wedding will be start any minute now!"
"W–––hat? Pero alas tres pa ang oras ng kasal k–– wag nyong sabihing pinaaga nyo ang kasal."
"Hindi ko pinaaga, at hindi ako ang magkakasal sa inyo dahil si kumpadre ang nagsabi na kailangan agahan ang kasal dahil may importanteng bagay pa syang aasekasuhin sa San Martin. Kaya naman son, if you're planning to get rid of this! wag mo ng subukan. Dahil kailangan mong panagutan si miss Cruz."
"Dad bakit ba parang nag mamadali kayong pakasalan ko ang babaeng yon, ni hindi ko nga sya kilala o San nagmulang pamilya. Paano kung masamang tao pala yon. Tapos gusto mo akung ipakasal sa babaeng yon, ni wala ka man lang alam sa buhay non,paano kung gold digger pala yon, My god Dad your going to ruin my life to merry that woman."
"Did you hear what you're saying huh son , ruin your life baka nga si Anna pa ang magsasalba sayo sa pagsira mo sa buhay mo."
"Ni hindi ko nga sya mahal Dad."
"Natutunan ang pag mamahal anak, at kung papipiliin ako kung si Anna o ang itinatago mong girlfriend na starlet ang pakakasalan mo ay mabuti pang sapilitan kitang ipakasal kay Anna."
Sa narinig ko ay hindi na ako nagulat pa. Mukhang may alam na ang Don sa nabigo naming kasal ni Ella. At medyo nagpanting ang tenga ko sa pagtawag ni dad na starlet kay Ella.
"At kung inaakala mo my dear son na hindi ko alam ang binabalak mo at ng babaeng yon ay nagkakamali ka. At mabuti narin siguro na hindi na tuloy kalokohan mo anak."
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side