chapter#39

1.4K 24 0
                                    


Flashback.......



Ok writer here! Ako muna ulit ;)


Umaga noon at umalis ang ilang mga bata sa ampunan may aatend-nan daw na outrige program ang mga ito. Isang pulitiko ang nag aya upang dalhin ang ilang mga bata sa plaza ng lugar na iyon.


Baka daw kasi merong makakita sa ibang bata at may gusting umampon sa isa sa mga bisita.


Di naman nakasama si Anna dahil na allergy di umano ito. May nagbigay kasi ng seafoods sa ampunan iyon ang iniluto ng ilang mga madre na pagkain. Ngunit sa kasamaang palad ay di alam ng mga itong may allergies sa seafoods itong si Alianna. Kaya ayon naiwan itong mag isa sa ampunan.


"Kamusta ka na Alianna? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"


Si sister Milagros iyon nagpaiwan ito upang may maiiwang aasiste sa ampunan habang wala ang iba. At ganon nadin sa may sakit na si Alianna.


"Nako mabuti na po ako sister Milagros, salamat po sa Pag aalala."


"Oo nga pala nabalitaan ni Leonard na nagkasakit ka kaya nariyan sya sa labas upang dalawin ka!, papasukin ko ba rito?"


Nagulat si Alianna sa tinuran ni sister Milagros, dinadalaw sya ni Leonard.


Pero di pa sya nakakasagot ay pinapasok na ito ni sister Milagros sa loob ng silid kung saan sya pinamalagi habang may sakit siya.


"Oh paano Alianna,Leonard maiwan ko muna kayo at mag tatahip lang ako ng mga bigas para maisaing na mamayang Gabi."

Ilang sandali pa nga ay wala na si sister Milagros sa silid. Naiwan tuloy doon sina Leonard at Alianna na halos walang gustong maunang magsalita.

Ngunit sa sobrang katahimikan ay bigla nalang natawa itong si Leonard. Na ikinabigla naman nitong si Alianna.

"Anung nakakatawa huh?"

"Wala naman."

Tugon nito sa dalagita ngunit Lalo lang nagusot ang mukha ni Alianna sa sinagot itong "Wala naman"

"Pwede ba yong tumatawa ka dyan ng walang dahilan, edi nababaliw ka na pala."

"Sorry! Di ko lang mapigilan kasi naman nyang pisngi mo oh !......,

Sabay turo nito sa pisngi nya.

"......grabe sa pamumula tapos medyo tumaba pa, ganyan ka pala pag naalergies."

Lalo pa tuloy nagusot ang mukha ni Alianna sa sinabi ni Leonard sa kanya.

"Kung pumunta ka lang dito para asarin ako at pagtawan mabuti pang umalis kana lang."

Galit na turan ni Alianna kay Leonard. Naiinis na kasi ito sa binatilyo dahil na rin siguro napahiya narin ito ng bahagya.

"Sorry ––, hindi na mauulit, pumunta naman talaga ako rito para kamustahin ka at dalhin itong mga bulaklak."

Sabay abot nito sa pulunpon ng ligaw na bulaklak sa kanya.

"Pinitas ko yan sa kakahuyan para ibigay sayo. At sa totoo lang kahit na... na mumula ang pisngi at nanaba ng bahagya yang mukha mo maganda ka parin para sakin Alianna."

Sa sinabing iyon ni Leonard ay di malaman ni Alianna kung nahihiya ba siya oh yuyuko dahil gustong kumawala ng mumunting ngiti sa kanyang labi.

My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon