Chapter#66

1.4K 41 0
                                    






Anna's PVO ....





Nakita kung napapailing nalang itong si mang Danny sa pabigla biglang pagbabago ng mood nitong si Leo. Kanina ok naman kami nagkakangitian pa nga kami pag nagtatama ang mga mata namin.





Kahit na palagian na nakadadama ako ng pagka OP dahil parang ipinu-push talaga nilang magkabalikan sina Leo at Daniella. But then again di ako nagpahalata.







Yon nga lang nauhaw ako sa tagal din ng naturang interview. Nagpresinta si mang Danny na kunan ako ng maiinom at ilang makakain, ngunit tinangihan ko ito at ako nalang mismo ang kumuha.





At habang namamangha ako sa dami ng mga makakaing nakahain doon ay may biglang lumapit saking dalawang gwapong lalake. Ang lalakas ng dating ng mga ito na sa unang tingin palang y masasabi mong mayayaman at may sinasabi sa buhay.







Bigla akung nakaramdam ng pagkailang dahil mukhang sakin naktoon ang kanilang tingin.







At di nga ako nagkamali ng lumapit nga ang mga ito. Napalunok tuloy ako dahil mukhang di ako makakain. Ang dami pa namang masarap na putahe. Nagugutom pa naman na ako.







"Hi beautiful, Bakit nag iisa ka yata."







"Oo nga! A beautiful woman like you ay di dapat iniiwan."







Ay naku mga banat ng mga taong ito parang nabasa ko na sa mga romance novel na nabasa ko.







Ngitian ko lang sila bilang tugon dahil di ko talaga alam kung anung isasagot sa kanila.








Pero ng maglaon ay di pala sila ordinaryong mayayaman lang. Masarap din pala silang kausap. Mataas ang kanilang sense of humor. Napapangiti nila ako sa mga kakornihan nila na di sinasadya. Kaya ang nagugutom kung sikmura ay nalimutan ko pansamantala.








Tapos bigla nalang sumingit itong parang nagseselos kung asawa. Nasesense ko kasi o ako lang ang nakadarama noon.







At laking gulat ko talaga nung bigla nyang sabihin sa mga itong may asawa na ako at di na pwedeng mag entertain ng kung sino.








At agad akung natataranta dahil parang nakakabuo ng tensyon sa pagitan ni Leo at nila Steve at Marc Anthony. Kaya naman pasimple ko syang hinawakan sa braso upang pigilan na itong magsalita pa at baka madulas pa ito at aminin ang tungkol samin.







At ng tuluyan na nga kaming magpaalam sa mga ito ay naging tahimik si Leo at walang kibo.







Bumalik kami sa lamesa kung saan ako kanina nauupo. ngunit di pa kami nagtatagal doon ay nag aya ng umuwi si Leo. Ang buong akala ko pa naman ay kakain na kami.







Kinuha lang ni mang Danny ang sasakyan. At doon kami nag hintay ni Leo sa may parking area kung saan bihira ang madaming tao.








Tinititigan ko si Leo. Napaka gwapo talaga nito, mas malakas ang dating nito kesa kina Marc Anthony At Steve. At ang mukha nyang seryoso ay di ko maiwasan na si mapangiti. Parang yong boss sa web novel.








"Oh bakit nakangiti ka dyan! Iniisip mo pa rin ba ang mga babaerong yon. Naku sinasabi ko sayo binubola ka lang ng mga yon. Kilalang babaero ang dalawang lalaking iyon."







My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon