chapter#47

1.3K 30 3
                                    

Leo's POV....





Nakatulala lang ako sa loob ng study room at nakatitig sa pintong nilabasan ni Anna. Ang buong akala siguro nya ay lumabas na ako ng study room ngunit andon lamang ako,nakatitig sa pag iyak nya.






Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. At paulit ulit na bumabalik sa balintataw ko ang mukha ni Anna na luhaan at nagmamakaawa sakin.




"Plss Leo stop... Nasasaktan na ko wag mo tong gawin parang awa mo na..!"


Di ko napigilan ang sarili ko na makaramdam ng matinding galit. Sobrang panibugho na nararamdaman ko ngayon. Maging sakin sarili ay namumuhi ako.



Ahh.......



Sigaw ko pa sabay hawi sa mga gamit na makita ko sa loob ng study room. Nabagsakan itong lahat sa sahig at ang ilan pa ay nabasag. Matapos yon ay napaupo ako sa sofa kung saan muntik ko ng gawan ng di magandang bagay si Anna.



I'll almost tried to rape her, Oo kung di pako natauhan sa pagsusumamo nya ay magagawa ko nga ang bagay na yon. Na maaring pagsisihan ko pa habang buhay.


Kagabi lang ay OK naman ang lahat. Desidido na akong ayusin ang tungkol sa relasyon namin ni Anna. I'll take all the responsibility of being his husband and she being my wife. Pero Bakit ganon naglaho ang lahat ng mga isiping iyon ng makita ko ang mga papeles. Na naglalamlam ng nagsasalin ng pangalan ng lupa kay Anna.




Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ko ang mga nakalathala doon. Naka sulat doon ang lawak at halaga ng lupang ipinagkaloob di umano kay binibining Anna Cruz. Labis akong namangha sa lawak ng lupang iyon ngunit ang mas nakapag pagalit sakin ay ang pagkakaloob din ng aking ama ng buong hacienda kay Anna.




Ang hacienda na ito! Ang hacienda'ng minana ng aking ina, minahal inalagaan at labis na pinayabong ay napupunta lang sa isang babaeng di ko pa lubos na kilala. At isang babaeng manloloko, manggagamit at higit sa lahat isang mapag-panggap.




Nanlumo ako sa mga nakita ko kaya napaupo ako bigla sa swivel chair hawak parin ang mga papeles na yon. Gusto kong magwala,gusto kong magsumigaw sa sobrang galit ngunit pinigilan ko iyon. Kinalma ko ang aking sarili upang pag nagkaharap kami ni Anna ay hindi ako makagawa ng bagay na hindi dapat.




Ngunit ng makita ko sya na aligaga at hinahanap ang mga papeles ay dumagsa ang galit sa puso ko.

At ang pagkalma ko sa sarili ay tuluyang nawala ng makita ko sa mga mata nya ang matinding pagkabalisa. "Guilty kagad."



At tuluyan nga akong nilamon ng galit ko at tuluyan ding nakagawa ng bagay na sa pilikula o teleserye ko lang naiisip na gawin ay nagawa ko na. "I'll almost force a woman to make -- that thing...."



"Susmaryosep Leo Anung nangyari dito bata ka!"




Napatingin kagad ako kay Nana Belen na hilakbot sa nadatnang gulo sa loob ng study room.



"Anu bang nangyari dito at bakit nakita ko si Anna na tumatakbo. May ginawa kaba sa kanya?"



"I didn't mean too Nana."


Turan ko bahang nakayuko. Ewan ko kung narinig ba ko ni Nana Belen oh hindi.




Litong lito ako at gulong gulo sa mga nangyari. Hindi ko kayang kausapin ng deretso si Nana Belen. Nahihiya ako sa nagawa ko.




My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon