Chapter#59

1.3K 31 1
                                    


Hello writer again.. dahil mag pa-flash back tayo ako muna ang mag kukuwento :)




Flashback......




Malayo na rin ang natakbo nila Leonard at Alianna pero ayaw ni Leo na maging panatag sa ganoon. Dahil sa naging panatag sila ay nahuli sila ni Alianna na muntik na talagang ikapahamak nila.



Magkahawak parin ang kamay nila na animo'y wala balak bitiwan ang isa't isa.



"Leo ang sakit na talaga ng paa ko."


Tiningnan ni Leonard ang paa ni Alianna at nakita nyang wala nga pala itong sapin sa paa kaya naman talagang mag kakaroon ng sugat ito sa paa.




Huminto si Leonard at tinitigan ang maamong mukha ni Alianna, bakat sa mukha nito ng pagod at sakit na nararamdaman sa mga galos at sugat na nakuha sa mga dinaanan nilang kasukalan.




"Leonard, mauna kana sakin parang di na kayang humakbang pa ng paa ko."



"Hindi pwede sabay tayong aalis dito at makakauwi ng sabay."





Di alam ni Leonard kung bakit sya naiiyak ng mga oras na iyon. Bsta ang alam lang nya ay ayaw nyang iwanan doon si Alianna. Kaya di na ito nag aksaya pa ng oras at mabilis nyang pinasan si Alianna.
Lumaking matangkad at matipono si Leonard. Kahit na sabihing binatilyo palang ito ay makikitang nahubog na ang katawan niyo sa tamang hubog na naayon sa edad nito.




"Leonard, anung ginagawa mo! wag muna akong pasanin mapapgod kalang lalo at baka maabutan nila tayo."



"Hindi kita pwedeng iwan Alianna, Dahil mahal kita at gusto kitang makasama ng mas matagal pa!"





Sa sinabing iyon ni Leonard ay napahugot malalim na paghinga si Alianna. Napakapit nalang sya sa palikat ni Leonard ng mahigpit at tahimik na naiyak.




"Gusto din kita Leo" Bulong ni Alianna na hindi nya alam kung narinig ba ito ni Leonard o hindi dahil bulong nya lang iyon.



My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon