Chapter# 58

1.4K 32 0
                                    

Leo's PVO.....


Kinabukasan siguro madaling araw pa yon ay maaga akong nasiging o sabihin na di talaga ako nakatulog dahil sa kakaisip at sa naguguluhan kong damdamin.



Ella is back and I did a big mistake na inin-tertain ko ang feelings nya sakin. Ewan ko ba nadala na rin siguro ako at dahil lalake ako at nanghihina ako ng mga oras na yon dahil sa ininom kung gamot.



Ngayon nga ay ang tanya ko ay mag five am palang ng umaga. Napagpasyahan kung silipin si Anna sa silid nito kasi mamaya ay lalabas na ako ng ospital at si Anna ay makakalabas rin naman oras na magising sya. Tinurukan daw kasi umano ito ng pampatulog upang mas makapagbahinga ng maayos.



Kakatok na sana ako sa kwarto kung san nadon si Anna ng biglang bumukas ang pinto.



" Leo ang aga mo ata?"



Si mang Danny ang nagbukas ng pinto.


"Ah gusto ko lang sanang makita si Anna."



"Ah ganon ba sige at mabuti nandito ka ako ay lalabas
muna upang maglakad lakad muna at si Belen ay pinatulog ko na muna. Kanina kasi ay nagising si Anna pero nakatulog rin uli."



Pumasok na ako at ayon naman ang paglabas ni mang Danny. Pag pasok ko ng silid ay may nakita akong upuan sa tabi ng kama ni Anna. Mahimbing itong matutulog at mukhang payapang payapa ang mukha nito.



Naupo ako sa upuan at mataman kung tinitigan ito. May nakita akong nakalaglag na hibla ng buhok sa mukha nito kaya naman di ko napigilang di hawiin ito.




Ang mukha nyang nakikitaan ko noon ng napaka gandang ngiti na ibinobigay sakin. Na napalitan ng ngiting may bahid ng reserbasyon at takot.



Naikuyom ko ang aking kamao sanisiping iyon. Kasabay ng pagbuntong hininga ko.



" Meron na ba akong nararamdaman para sayo Anna, O dahil nakakabit sating dalawa ang isang pinitmahang mapel kaya na uobliga akong mahalin ka!"



Naisatinig ko ang mga yon na halis gumugulo sa isipan ko buong gabi. Kasabay noon ay hinawakan ko ang kanyang mga kamay na may mga ugat, ugat na mukhang nakuha sa pagtatrabaho.



Dahan dahan ko itong pinisil pisil ng maya maya ay bilga itong kumilos.




Mabilis kong binitiwan ang kanyang kamay at tiningnan ko syang unti unti nyang iminumulat ang kanyang mga mata. At ganon nalang ang nakita kung takot sa mga mata nya ng makita nya ako.



Bahagya nyang iginalaw ang kanyang katawan paisod palayo sakin.



Nakaramdam ako ng awa para kay Anna at galit naman para sa sarili ko. Dahil ganon na pala ang nabuo kung takot dito.



"Anna, its ok don't worry I will not harm you. Sorry If I scared you that much and I hated my self for that!"



Doon palang ko nakita ang ka-Kalmahan sa mga mata nya. At walang anu ano'y bigla itong umiyak na walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Parang kahit sa pag iyak nya ay sinasarili nya parin iyon.




My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon