Flashback part2......
Alam ni Leonard na di tamang isipin ang kakaibang damdaming namumuo ngayon sa kanyang puso para kay Alianna. Pero Bakit parang di nya mapigilan ito. Nahihirapang syang makita itong nasasaktan ng labis. Oo nga sa kakaunting panahong inilagi nya sa lugar na yon at sa kakaunting panahong lang din na yon nakilala nya ito ay agad nyang nadama ang kakaibang damdamin para rito.
Ipinangako nya sa sarili na once na umayos sya at makapag ipon na ng lakas ng loob ay babalik sya sa kanila at aayusin ang kanyang buhay at babalik sya kung saan naroon ang dalagita at ipagtatapat rito ang nararamdaman. Oo bata pa sila ngunit alam na nya sa puso't isip nyang ito ang para sa kanya.
He wants to be her saviour, her shoulder to cry on, a man who can protect her someday. At yon ang gagawin nya sa oras na umayos na ang lahat sa kanya. At dahil doon ay nakaboo na siya ng isang pasya. Babalik sya ng maynila ilang araw o ilang linggo buhat ngayon.
Hihikbi hikbi parin itong si Alianna ng lumayo sa mga braso ni Leonard. Nakita nitong labis na nabasa pala ang damit nito ng kanyang mga luha. Kaya nan di mawari nito kung paano nito pupunasan ang damit nito na nabasa ng kanyang mga luha.
"Naku! Pasensya kana huh nabasa tuloy ang yong damit."
Sa halip na sagutin ito ay Nginitian lang ng matamis ni Leonard si Alianna. At marahang pinuhasan nito ng hinlalake nito ang ilang bahid pa ng luha sa pisngi ng dalagita.
"Yan huh Siguro naman ay matatawag mo na akong kaibigan nyan. Dahil sa binasa mo ng luha mo ang damit ko eh di kana magsusungit sakin nyan huh!"
Tinuran ni Leonard kay Alianna na ikinangiti naman ng isa. At ngumiti rin ito sa dalagita na nauwi sa banayad na pagtawa ng dalawa.
Bagkus sa pagkakaalam ng dalawa ay nakamasid ang nanlilisik na mga mata ni Aira sa kanila. Kung ang dalawa ay animo'y nagkikislapan na mga bituin ang mga mata kabaliktaran naman nito ang kay Aira. Nag aapoy ito sa matinding galit, galit para kay Alianna.
Hindi na napansin ng mga ito na nandoon si Aira dahil na rin sa di pagpapakita nito kina Alianna at Leonard. Matindi ang puot na nararamdaman ngayon ni Aira para sa kapatid.
Umalis ito sa kinaroroonan nila Alianna at Leonard. Habang naglalakad ay nakakuyom ang mga kamay nito at di napigilan ang mapabigkas ng di gaanong magandang salita.
"Pu*******na mo Alianna, everything , everybody lahat lahat nalang kinukuha mo sakin...... Lahat ng kinuha mo ay kukunin ko rin sayo. I promise that to the hell I know kukunin ko sayo lahat lahat."
Sa matinding galit nararamdaman ni Aira ay napapaluha ito ng di nya namalayan. Tumakbo ito ng tumakbo hanggang sa nakarating sa loob ng kakahuyan.
Samantala ay hindi mapalis palis ang ngiti sa mga labi ni Leonard buong araw. Nahihiwagahan na nga rin pati si ka Abet sa ikinikilos ng binatilyo buong araw. Kahit alam ng matanda na medyo mahirap ang mga Gawain ngayong araw ay walang puknat parin ang matamis na ngiti nito.
Di tuloy naiwasan ni ka Abet na Biruin ito.
"Abay daig mo pa ang sinagot ng nililigawan mo bata ka! Aba'y di mapuknat ang ngiti mo, daig pa ang naka plaster iyang ngiti mo sa labi mo ah!"
"Parang ganon na nga ho ata yon ka Abet."
"Aba't mayroon ka atang di sakin sinasabi huh! Huwag mong sabihing nang aakyat kana ng ligaw sa ilang kadalagahan dine sa kalapit bahay?"
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side