Nagkukunwaring walang malay parin si Anna buhat sa walang habasn na pananakit sa kanya ni Daniella. Ni hindi na nga alam ni Anna kung umaga na ba o gabi na dahil nga hindi nya naman nakikita ang labas ng kweba.
At dahil sa may kadiliman din sa loob ng naturang kweba ay di rin nila napapansing may malay na sya.
Kaya naman nagpanggap na wala paring malay si Anna upang makapagmasid sa mga taong naroon. Alam ni Anna na may mga dalang cellphone ang ilang sa mga tauhan ni Gordon. At nabuhayan sya ng loob ng marinig nya ang isang lalake na halatang may kausap sa telepono.
Kahit na madilim ay napagtanto ni Anna na foreigner. Base na rin sa slang ito at may accent. At mukhang nakikipagtalo pa ito.
Ang ilan naman ay umiinom ng alak, alam nya iyon dahil na aamoy nya ang lakas ng amoy ng alcohol. Habang di sya Napapnsin ng mga ito ay malimitnyang iginagalaw ang kanyang kamay na may tali Ikinikiskis nya ito sa may katalimang bato.
Alam ni Anna na dahil sa kanyang ginagawa ay malimit ding magalusan sya sa kanyang ginawang pagkiskis ng tali sa bato. Ngunit baliwala iyon sa kanya basta ang alam nya lang ay kailangan nyang makagawa ng paraan upang makaalis doon.
Pilit na inaalala ni Anna ang kabuuhan ng naturang kweba. Kung di sya nagkakamali ay malayo layo pa sya sa butas kung saan sila dumaan ni Leo noong tumakas sila buhat sa mga kidnappers.
Pero bago iyon ay kailangan nyang makuha ang telepono na gamit gamit kanina ng lalake. Kaya mas pinagbuti ni Anna ang pagkiskis sa tali habang pinagmamasdang pilit ang mga galaw ng mga tao sa loob kahit na madilim. Baka kasi makahalata ang mga iyon.
Naisip din ni Anna na mukhang wala na doon si Daniella atvGordon. Marahil ay umalis ang mga ito. Kaya naman lalong pinagbuti ni Anna ang pagkiskis ng tali. At ng walang anu ano'y bahagya na itong kumuwang. Sapat na iyon upang makagalaw sya ng maayos at makuha nya ang tinatarget na cellphone.
Napausal tuloy si Anna ng isang pasasalamat sa dyos.
" Thank you lord! "
Naghintay pa ng ilan pang sandali si Anna. Tumagal siguro iton ng halos kalahating oras. Nang makita nyang mukhang lasing na at puro tulog na ang mga lalakeng nagbabantay sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side