Norman's PVO
Di ko talaga inaasahan ang tawag na iyon. Pero napakasaya ko ngayon dahil ok na si Anna. Siguro napakahirap para kay Leo na tawagan at sabihin sakin na pwede ko ng makita ang asawa nito.
Ngayon nga ay hindi na halos lakad ang ginagawa ko kundi takbo na sincr makababa ako ng kotse. Si Vanjo ang nagdrive para sa sakin at naiwan ito upang i-park ang sasakyan.
Sa may hall way nakita ko na naroon si Leo at ang isa pang lalake na sa pagkakatanda ko ay Rey ang pangalan.
Tumango lang sakin si Leo at sabay sabing gising si Anna at inaasahan sya nitong darating.
Hindi kaagad ako pumasok ng kwarto ni Anna. Huminga muna ako ng malalim dahil medyo hiningal din ako sa labis na pag mamadali ko kanina. May daladala akung mga bulaklak para kay Anna na alam kung mahugustuhan nya.
Pagbukas ko palang ng pinto ay di ko mawari pero abot sa may pintuan ang naturang pabango o talagang natural na amoy iyon ni Anna.
Nakatingin ito sa bintana, Nakalugay ang mahabang buhok. Nasisikatan ng bahagyang araw na sumisilip sa bintana.
Halos nawawala na ang tanda ng mga galos at sugat na natamo nito buhat sa masamang pangyayaring iyon. Bumalik na ang pamumula ng kanyang labi. Na tanda na nakarecover na nga ito.
Napahugot ako ng paghinga ng mapansin ako nito at biglang mapangiti. She never know what she's doing right now. She can easily make my heart melt in that moment.
" Norman!"
Pagtawag nito sakin na animo slowmotion. Sabay taas ng kamay nito upang abutin ang kamay ko.
" Hello beautiful!"
Bati ko sa kanya, ngumiti lang ito at tumingin tingin saking likuran.
Kunwari ay itinatago ko pa ang bulaklak na dala ko pero alam kung nakita na nya ito.
" Para sakin ba yong bulaklak? huh Norman?"
Tanong nito sakin ,tuloy may naisip akung kaunting kalokohan.
" Ay hindi, Para to' doon sa nurse na gumamot sakin. Napaka bait kasi noon at ang ganda ganda pa."
Kitang kita ko ang pagbagsak ng balikat ni Anna tanda na nalungkot ito. At ewan ko ba sa twing ginagawa nya iyon ay di ko maiwasan mapangiti lalo na pag mistula itong bata na parang bumabaliktad ang labi dahil di naibigay ang gustong candy.
" Joke lang! syempre para sa pinakamagandang babae buhay ko ang bulaklak na to' favorite mo kaya to!"
" Nakakainis ka naman Norman akala ko talaga para sakin pala sa iba. "
At nagkatawanan na nga kaming dalawa I miss this moment yong dalawa lang kami na nag uusap at nagtatawan.
Leo's PVO...

BINABASA MO ANG
My Unwanted Wife
RomanceShe's not the woman I dreamed off, I never imagined that I will fall for her. I never thought that I will dream off her .. I didn't expect that I will LOVE her this much. Now, I can't imagine my life with out her by my side