Chapter#81

1.1K 32 2
                                    





Philippines.





" Conching what happened to Annie?"





" Hindi ko nga alam Norman eh, Basta kanina ay nanonood lang kami ng TV tapos bigla nalang syang umiyak. Tapos ayon hanggang ngayon ay umiiyak parin sya sa silid nya."





Tinawagan ako ni Conching kanina sa opisina dahil nga raw ay walang tigil sa pag iyak itong si Annie. Tama meron na kaming ipinangalan sa kanya. Kasi isang lingo ang nakakalipas ay may bigla raw itong nakaalala ngunit malabo.





At may "AN" daw sa name nya. Yon daw kasi ang nasa panaginip nya. May tumawag daw sa kanyang lalake ngunit malabo din. Kaya naisip kong tawagin nalang syang Annie pansamantala.





At dahil mukhang matatagalan ang pagbalik ng alaala ni Annie ay naisip kung kunin si Conching para may makasama si Annie sa condo habang wala ako. Mas pinili kung sa condo manirahan kesa sa mga town house dahil sa magagandang condo units ay may mga guards na pwedeng mag monitor ng mga facilities.





Pumunta ako sa tapat ng silid ni Annie at marahang kumatok. Hindi ito sumagot kaya naman binuksan ko na ang pinto nito.





" Annie are you still awake?"





Alangan ko pang tanong kasi nakahiga ito at nakaharap patalikod sa pinto.





Sa halip na sumagot ay bangon ito sa pagkakahiga at humarap sakin.





Biglang napahugot ako ng malalim na paghinga ng makita ko at itura nito. Animo'y galing sa pag tulog at namumungay pa ang mga mata nito. Medyo magulo ang buhok na tumatabon na sa mukha nito.





Hindi ba alam ng babaeng ito na napakaganda nya! At sa twina ay bigla bigla nalang nitong napapabilis sa pagtibok ang puso ko.





" Norman, bakit nandito ka?"





Humihikbing turan nito sakin. Sabay singhot at punas ng luha sa mata nito.






Agad kung inayos ang sarili ko at inalis ang kung anung namumuong kakaibang idea sa utak ko.






" Yeah, napauwi ako dahil si Conching ay labis na nag aalala sayo. May mga meetings pa naman ako ngayon pina- cancel ko pa dahil sayo."





" Huh! Hala pasensya kana!"





Kitang kita ko ang panghihinayang sa mukha nito at labis na hiya. Sa totoo lang nalilibang ako pag ganitong hindi nya alam kung papaano ito hihingi ng tawad sakin. Naku-cute-tan kasi talaga ako sa kanya.





Meron nga akung meeting but its just a minor meeting sa mga bagong business partners. Hindi naman ganong kaimportante.





" Pasensya kana talaga Norman. Anu kasi, hindi ko talaga alam kung bakit ako naiiyak ng ganito. Nanood lang naman ako ng TV. Tapos may commercial akung napanood tapos yong lalake sa commercial parang kilala ko sya. Tapos ayon na!"





Napakunot noo ako sa tinuran ni Annie. Commercial? Lalake? Sino naman kaya yon.





" Tama na nga yang pag eemote mo dyan huh! commercial lang yon at baka sikat na artista yon kaya parang pamilyar sayo. At tingnan mo ang itsura mo lalo kang pumapanget sa kakaiyak mo dyan. "





My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon