chapter #25

1.7K 29 0
                                    





"Hay naku Alianna,pinagtatakpan mo na naman yang kapatid mo. Oh sya dahil malakas ka sakin ay tutulungan nalang kitang hakutin ang mga palay. Magaan naman ang mga yon kaya isakay mo na lahat sa paragos at ako ng bahalang maghakot lahat."




"Ariglado po ka Abet."




Agad inilabas ni Alianna ang paragos. Dahil sa tag init ay nagtungo lahat ng mga taga ampunan sa sitio Binag sa bandang Quezon province. Halos taon taon daw ay nagpupunta ang mga taga ampunan doon upang magsaka at mag ani ng mga gulay na ang iba'y ibinibenta sa bayan upang maging pera. At ang iba nama'y inuuwi sa orpanage kung saan talaga sila na nanatili.




Nang dumating sila Alianna sa sitio Binag ay labis ang saya ni Alianna. Kaya naman lagi itong maaga kung gumising di tulad ng ibang bata na pasado alas siete na kung mag sigising. Ikalawang taon na nila Alianna ang pagpunta roon kaya naman sa ikalawang pagkakaroon ay laging excited ang dalagita.




Napailing si Alianna sa nakitang malambot na kalsada. Umulan kasi kagabi ng malakas, ngunit ng tanungin ni Alianna ang langit ay halata mong magiging mainit ang buong maghapon.




"Mukhang nahihirapan akung ipahila ito kay bisiro." Turan ni Alianna na ang tinutukoy ay ang bata pang kabayo.




Maputik at malambot ang lupa patungo sa kamalig kung saan nakalagak ang mga naaninag palay.
Nang marating ni Alianna ang kamalig ay nagtaka ito. Lumapit sa punting gawa sa kawalan at niluwagan pa ng kaunti ang pagkakabukas.




Pumasok na sa loob si Alianna ng napansing wala namang kakaiba doon. Agad tinungo ang mga nakasalansang sako ng palay at tangkang hihilahin ng---




"Ahhh--!" Tiling malakas ni Alianna ng napansing may katawan ng tao sa tambak ng sako ng palay at labis din ang pagkasindak ng dalagita ng makitang duguan ito.



"Tu--big ,tubig!" Daing nito na ikinailap ng mga mata ni Alianna. Agad maghanap ng kung ano sa loob ng kamalig at ng may makitang basyo na naglalaman ng tubig ay agad nyang dinaluhan ang kung sinong sugatan.



"Ito ang tubig, kaso kakaunti ito!" Aniya sa lalaki. Nanginginig ang mga kamay na tinulungan ni Alianna ang lalaki na uminom.



"Anu bang nangyari sayo?" Tanong nya dito ngunit agad ding itong nawalan ng ulirat. At ng napansin ni Alianna ang tagiliran nito na dumudugo ay hindi magkandatuto ito kung anung gagawin.



Hindi alam ni Alianna kung paano nya nadala ang lalaki sa paragos. At ng makita nya ang lalaki sa liwanag ay nabigla si Alianna. Sapagkat bata pa pala ito at hindi pa ganoong katanda sa kanya.




Mabilis syang kumilos dahil dinig na dinig na ni Alianna ang pagdating ng binatilyo. At ng sipatin nya ang noo nito'y mistulang napaso pa sya.




"Grabe ang taas ng lagnat mo."




Nakita ni Alianna na nagmulat saglit ng mga mata ito ngunit agad din namang pumikit. Nginitian nya ito ngunit hindi nya alam kung nakita ba nito iyon dahil mabilis din naman itong pumikit.




My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon